Boying Remulla kay Harry Roque: ‘Magpaka-Pilipino siya!’
NAGLABAS ng saloobin si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla tungkol sa planong paghingi ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque ng asylum sa Netherlands.
Sa kanyang naging pagharap sa media, hinamon niya ang abogado na harapin kung anuman ang mga reklamong ibinabato sa kanya ngayon sa Pilipinas.
“Harapin niya kung ano ang isinasakdal sa kaniya magpaka-Pilpino siya,” saad ni Remulla.
Nagbigay komento rin siya sa tila pakikisawsaw ni Roque sa kaso ng dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).
Baka Bet Mo: Harry Roque laglag sa defense team ni Duterte, VP Sara pinauuwi na ng ama
View this post on Instagram
“Actually he is a non-entity in this drama, he is trying to put himself in the picture,” dagdag pa ni Remulla.
Muling namataan ng madlang pipol si Roque nang mahuli ng ICC si Duterte matapos ang kanyang pananahimik simila noong naglabas ng utos ang House of Representatives (HOR) na ipaaresto siya.
Ito ay matapos na hindi siya sumipot sa imbestigasyon ng Kamara sa pagkakaugnay niya sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Nasabi ni Roque na mananatili siya sa Netherlands bilang isa sa mga legal counsel ni Duterte ngunit paglilinaw ni VP Sara Duterte, hindi pa siya maaaring maging parte ng legal team ng dating pangulo.
“Hindi pa kasi na-establish kung ano yung basis ng pag-stay niya dito sa Netherlands and we don’t want complications ba. Gusto namin nakatutok talaga yung lawyers doon sa kaso and right now he’s, I heard, applying for asylum?
“He publicly announced that already, so we want him to focus on his asylum and then we want our lawyers to focus on the case,” sey ni VP Sara.
Maging ang Palasyo ay sinabing bumalik na lang ng bansa si Roque at patunayang wala talaga siyang kasalanan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.