Rodrigo Duterte 27 ang kailangang inuming gamot sa edad na 80

Rodrigo Duterte 27 ang kailangang inuming gamot sa edad na 80

Ervin Santiago - March 23, 2025 - 07:07 AM

Rodrigo Duterte 27 ang kailangang inuming gamot sa edad na 80

Rodrigo Duterte at Bong Go

AABOT sa 27 iba’t ibang klase ng gamot ang iniinom ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa edad nitong 80.

Ito ang sinabi ni Sen. Bong Go sa isinasagawang hearing ng Senate Committee on Foreign Relations, s pangunguna ni Sen. Imee Marcos, nitong nagdaang Huwebes, March 20.

Mismong siya raw ang nagdadala ng mga gamot ni Duterte sa bahay nito every week at alam na alam na niya kung ano ang magiging epekto sa kalusugan ng former presidente kapag hindi ito nakakainom ng kanyang prescribed medicines.

Kasalukuyang nasa custody ng International Criminal Court o ICC sa The Hague, Netherlands si Duterte matapos siyang arestuhin ng Philippine National Police (PNP) sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 noong March 11.

“Importante na masiguro ang kanyang kalusugan dahil 80 years old na po ang dating pangulo pero mukhang hindi ito naisaalang-alang ng awtoridad dahil hindi siya pinayagang pumunta ng ospital ni hindi nadala ang kanyang mga medisina,” pahayag ni Go sa naturang pagdinig.

Inalala ng senador ang eksenang hindi siya pinayagang makapasok sa Villamor Air Base kung saan unang dinala si Duterte nang dakpin siya sa bisa ng arrest warrant mula sa ICC.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Alam n’yo po ako ang nagpapadala ng medisina niya sa bahay niya linggo-linggo po ‘yan dahil ‘yan po ang pangako ko sa kanya noon, bagama’t hindi na siya nakikialam sa akin sa politika.

“Pero sa kanyang medical ay ‘yan ang pinangako ko sa kanya na hindi ko siya pababayaan habambuhay,” sabi pa ni Go.

Ngayong nakakulong na si Duterte, ang tanging hiling lang daw niya ay ibigay ang mga kinakailangan nitong gamot habang nasa detention center ng ICC.

“Nasa 27 po ang kanyang gamot sana po ay ibigay rin ang kinakailangang gamot at medical attention sa kaniya habang nasa ibang bansa dahil karapatan naman po ito ng bawat tao, constitutional rights po natin ‘yan,” ang kanyang pakiusap.

Sabi pa ng senador, nakita niya na noong humarap si Duterte sa ICC Pre-Trial Chamber ay tila nanghihina ito. Ganu’n daw ang kundisyon at itsura ng dating pangulo kapag hindi nainom ang lahat ng kailangan niyang gamot.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Marami na pong karamdaman si Tatay Digong. Sino namang 80 years old na walang gamot na iniiinom at walang karamdaman. Ayan po ang kinatatakot ko sa ngayon, yong kaniyang kalusugan at kaniyang kaligtasan,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending