Buboy Villar boldyak kay Angillyn Gorens: Sumabog na 'ko!

Buboy Villar boldyak kay Angillyn Gorens, hindi na nakatiis: Sumabog na ‘ko!

Ervin Santiago - March 25, 2025 - 07:30 AM

Buboy Villar boldyak kay Angillyn Gorens, hindi na nakatiis: Sumabog na 'ko!

Buboy Villar, Isay Sampan at Angillyn Gorens

SUMABOG na ang emosyon ni Angillyn Gorens laban sa dati niyang partner na si Buboy Villar at sa bago nitong karelasyon na si Khrizza Mae “Isay” Sampiano.

Bad trip si Angillyn dahil sa paggamit daw ni Buboy sa kanilang mga anak na sina Vlanz at George sa mga interview nito pati na sa mga YouTube vlog kasama si Isay.

Ito’y matapos ngang ibandera ng Kapuso comedian at host sa publiko na meron na siyang bagong dyowa na siya ring nanay ng ikatlo niyang anak.

Nangyari ang grand reveal sa latest episode ng podcast nila ni Tuesday Vargas, ang “Your Honor” na nagsilbi ring birthday episode ng show para sa komedyante.

Nag-celebrate si Buboy ng kanyang ika-27 kaarawan nitong nagdaang March 21, kaya naman naging mas espesyal ito matapos ang naganap na relationship at new baby reveal.

Pero kasunod nito, biglang nagsalita si Angillyn pati na ang kanyang kapatid na si Veybillyn Gorens. Galit na galit ito kay Buboy dahil tila napapabayaan na nito ang mga anak nila ni Angillyn.


Sa social media post ni Veybillyn, binasag nito ang Kapuso star, “1 month nyo hindi dinalaw yung mga bata tapos kahapon dinalaw nyo? hahahaha. kasi????

“Ganyan kayo kakups hindi nyo naaalala yung mga batang wala na nga yung nanay sa Pilipinas ikaw na nga lang anjan DAPAT para saknila TAPOS SASABIHIN NYO INSECURE YUNG NANAY?!

“KAHIT AKO NANAY NYAN MABABADTRIP AKO SAINYO porke may bagong baby KINAKALIMUTAN NYO!? ako ngang tita 2 times A WEEK KO PINUPUNTAHAN MGA ANAK NYO!” ang buong pahayag ng sisteraka ni Angillyn.

Sa Facebook page ni Angillyn, sinagot din niya ang ilang komento at katangungan ng netizens tungkol sa kanila ni Buboy at sa kanilang dalawang anak.

Sagot ni Angillyn sa mga netizens na kumuwestiyon sa kanyang pagiging nanay, “NASA AMERICA AKO PARA MAG WORK AT MAG PROVIDE SA KIDS KO.”

Sa question kung bakit ngayon lang siya nag-react about Buboy ansmd Isay, “Cause they keep using my kids on their interviews and their statements are far from the truth. Edi sumabog na ako.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Isay Sampiano🐻ིྀ (@_isaysampiano)


Bago ito, nag-post ng cryptic post si Angillyn sa Facebook last February na pinaniniwalaang may kaugnayan sa kanila ni Buboy. Aniya, “I saved your reputation by not telling my side of the story. Stay humble.”

Sinundan pa ito ng, “Pag yung tao pinili niya manahamik na matagal na at pinabayaan na nga niya na siya masama sa mga mata nang mga tao, please lang wag ninyo naman punuin.”

Sa isang ulat naman, sinabi ni Angillyn na mula raw nang magkaanak sina Buboy at Isay ay nabawasan na ang sustento at panahon ng komedyante para sa kanilang mga anak.

Nagsimula ang relasyon nina Buboy at Angillyn taong 2016 at biniyayaan nga sila ng dalawang anak na nasa poder ngayon ng huli kasama ang kanyang mga magulang.

Taong 2017 nang mag-propose si Buboy kay Angillyn at nagbabalak nang magpakasal sa Amerika pero nagkahiwalay din noong 2020.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Habang isinusulat namin ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na pahayag o reaksyon sina Buboy at Isay hinggil sa mga naging pasabog nina Angillyn at Veybillyn. Bukas ang BANDERA sa kanilang magiging reaksyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending