Xian Gaza sa magtatanggol kay Buboy Villar: Aalamin ko lahat ng baho mo
HOW true kaya ang kumakalat na chika na iniwasan ni Buboy Villar na gawing weekends ang binyag ng bagong baby para hindi makadalo ang mga anak nito kay Angillyn Gorres?
Ang chikang ito ay nagmula sa self-proclaimed “Pambansang Marites na Lalaki” na si Xian Gaza.
Sa kanyang Facebok post ay ibinahagi ni Xian na itinaon raw ni Buboy na may pasok ang mga anak para hindi makasama sa binyag ng pangatlong anak sa non-showbiz dyowa.
“Ang binyag, palaging ginagawa yan Saturday or Sunday para lahat ay maka-attend.
Baka Bet Mo: Buboy Villar boldyak kay Angillyn Gorens, hindi na nakatiis: Sumabog na ‘ko!
View this post on Instagram
“‘Yung pangatlong anak ni Buboy Villar, pinabinyagan ng Thursday, March 20, para sureball na hindi maka-attend yung dalawa niyang anak kasi nasa school,” lahad ni Xian.
Aniya, ganito raw kasama ang aktor na hindi niya ipinapakita sa publiko.
“Kapag may dumipensa kay Buboy, aalamin ko lahat ng baho mo at ipo-post sa buong bansa,” sey pa ni Xian.
Dagdag pa niya, “binyag Huwebes bago yun ah anong relihiyon yan beh?”
Ibinahagi naman ni Angillyn, dating partner ni Buboy, ang nagong Facebook post ni Xian.
Umani naman ng komento mula sa madlang pipol ang naturang post.
May ilang kampi kay Buboy habang ang iba naman ay kampi kay Angillyn.
“Bitter ka lang kasi nakikita mong happy na sya sa iba. Hahahahah putak pa sa sosyal media anu gusto mo Sa anak mo lahat bigy un sahod ng tao. Natural mahahati dahil mayron na s’yang bagong anak. ..need din nyang sumaya at mag kapamilya ng buo n di tulad Sau sinira mo. Iniwanan mo ngayon naghahabol ka sa sustento buti nga mayron pang sustento ibang tatay Jan WLA na. Tlga . Bigay bigay.”
“Move on angillyn. Pareho kaung magulang kung nagsusustento nmn at bnawasan lang ay ok lang yan anjan ka nmn eh. Sabi mo nga mama at papa mo nag aalaga kaya pwede ka rn magka work. Lumalabas kase prang nagseselos ka. Sana nung una palang bago ka nakipaghwalay inisip mo mga anak mo. Tapos ngayon hihingi ka ng atensyon na kailangan ng mahati ngayon.”
“Apaka unfair nman Kasi,ngayun Todo provide sa Bago pero ung unang anak parang wla na,kung d pa ireremind Ng ate ni Angillyn Gorens .. masakit dn bilang Isang ina un.”
“Sumabog na talaga si angelyn matagal na nya kinikimkim.”
Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag si Buboy hinggil sa isyu.
Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ng bawat kampo hinggil sa isyu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.