Xian kay Dennis: Ganyan sila sayo kasi wala kang kwentang ama!

Xian Gaza ni-real talk si Dennis: Ganyan sila sayo kasi wala kang kwentang ama!

Pauline del Rosario - April 12, 2025 - 03:45 PM

Xian Gaza ni-real talk si Dennis: Ganyan sila sayo kasi wala kang kwentang ama!

Xian Gaza, Dennis Padilla

IBINANDERA ng self-proclaimed Pambansang Marites na si Xian Gaza ang kanyang open letter para sa veteran actor-comedian na si Dennis Padilla.

Ito ay sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan nito matapos ang kasal ng anak na si Claudia Barretto at Basti Lorenzo.

Sa isang Facebook post, ni-real talk ni Xian si Dennis kung bakit naging ganun ang trato sa kanya ng mga anak.

Burado na ang nasabing post, pero ang nakalahad sa caption: “Huwag mo na pong pahirapan ‘yung mga anak mo.”

Baka Bet Mo: Xian Gaza tinalakan si Dennis Padilla: Yung Father’s Day greeting ay hindi hinihingi sa mga anak, ine-earn yan

“Ganyan sila sayo kasi walang kwentang ama ka noon,” giit niya.

Paliwanag pa ng Pambansang Marites, “‘Yung pakikitungo ng mga anak natin ay repleksyon kung paano tayo sa kanila noong mga bata pa sila.”

Xian Gaza ni-real talk si Dennis: Ganyan sila sayo kasi wala kang kwentang ama!

PHOTO: Screengrab from Facebook

Noong April 8 nang ikinasal si Claudia sa longtime dyowa niyang si Basti na kung saan ay present si Dennis, ang kapatid nito na si Gene Padilla, pati na rin ang kanilang ina.

Ngunit ang masaya at memorable sanang araw para sa mag-ama ay nawala dahil tila naging “guest” si Dennis imbes na maging parte ng programa bilang “father of the bride.”

Sa isang panayam, inamin ng komedyante na mas masaya pa raw siguro kung hindi siya inimbita ng anak at nang-gatecrash na lamang siya.

“One of the most painful part ng buhay ko na naranasan. Wala ito sa kalahati ng mga naranasan ko [sa kanila] sa mga nakaraan, pati nu’ng mga debut. Wala,” sey ni Dennis.

Dagdag pa niya, “Ayoko na. Sabi nila ako ‘yung toxic. Talaga ba?”

Nabanggit din niya na pagod na siyang maghabol sa kanyang mga anak kaya ititigil na niya ito.

Kasunod naman niya ay ang matitinding pasabog ni Marjorie Barreto, ang ex-partner ni Dennis na ina ng kanilang anak na sina Julia, Claudia, at Leon.

Sa isang interview, ibinunyag ni Marjorie na bago ang kasal ay alam na ng father of the bride na hindi siya ang maghahatid sa anak sa altar dahil binanggit ito sa kanya noong nagkita sila over lunch last March 18.

Bukod diyan, ni-reveal din ni Marjorie ‘yung pagiging “physically abusive” umano ni Dennis noong nagsasama pa sila ilang taon na ngayon ang nakararaan.

Ang pahayag ng aktres, “He was physically abusive to me. I’ve been quiet for 18 years, but he was physically abusive.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nakakatawa siya sa tao pero he’s the opposite. Konting bagay lang manununtok na yan or mananampal na yan. My kids saw that,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending