Xian Gaza tinalakan si Dennis Padilla: Yung Father’s Day greeting ay hindi hinihingi sa mga anak, ine-earn yan
DIRETSAHANG pinagsabihan ng self-proclaimed “Pambansang Marites na Lalaki” na si Xian Gaza ang kontrobersyal na actor-comedian na si Dennis Padilla.
Ito ay may kinalaman sa nag-viral nitong post na tila panawagan sa mga anak kay Marjorie Barretto na sina Julia, Claudia at Leon.
Base sa kanyang IG post na ngayon ay deleted na, nami-miss na niya ang mga anak kahit na nakalimutan siyang batiin ng mga ito.
Nito ngang Linggo, June 26 ay sinagot siya ni Leon kung bakit nga ba hindi niya nabati ang ama.
Nakiusap rin ito na sana ay huwag nang humingi ng simpatya sa publiko dahil madalas ay silang magkakapatid ang nababatikos ng mga tao at wala man lang daw siyang ginagawa sa tuwing nangyayari ito.
At bilang natatanging lalaki sa kanilang magkakapatid at naglabas na siya ng saloobin para protektahan ang mga kapatid.
View this post on Instagram
Kaya naman mukhang napataas ang kilay ni Xian sa mga nababasa sa balita at tila nilectyuran ang komedyante.
“Dennis Padilla, yung Father’s Day greeting ay hindi hinihingi sa mga anak, ine-earn yan,” saad ni Xian.
Dagdag pa niya, “Kung wala kang kwentang tatay sa buong taon eh huwag kang mag-expect na babatiin ka ng mga anak mo sa araw nating mga ama.”
Tulad ni Dennis, malayo rin si Xian sa kanyang anak na kamakailan ay madalas na niyang i-flex sa social media.
Kahit na malayo ay hindi nagkukulang si Xian sa pagbibigay ng mga pangangailangan ng anak.
Related Chika:
Dennis Padilla naiyak sa video ng pamamaalam ng mga anak ni Ruffa sa amang si Yilmaz Bektas
Relasyon nina Barbie at Diego iniintriga ni Xian Gaza; pasabog na blind item bentang-benta
Julia, 2 pang kapatid may isyu na naman kay Dennis; dedma sa Father’s Day
Xian Gaza nag-DM kay Joshua: Kung alam ko lang, matagal na kitang pinormahan
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.