Kathryn Bernardo naloka sa PGT contestant na ka-lokalike ni Daniel

Raymart Pandalan, Freddie Garcia at Kathryn Bernardo
MUKHANG nanonood o nasisilip ni Kathryn Bernardo ang “Incognito”, ang seryeng kinabibilangan ng ex-boyfriend niyang si Daniel Padilla na gumaganap na Andres.
Team Replay kaya sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel o sa Netflix mismo nanonood si Kathryn?
Sa episode ng “Pilipinas Got Talent” nitong Linggo, Abril 14, ay hawig ni Daniel at kaboses ang contestant na si Raymart Pandalan na napansin ng isa sa hurado, si Ginoong Freddie M. Garcia.
Naunang napagkamalan ni Kathryn si Raymart bilang si Ronnie Alonte na medyo hawig din pero may intrigang tanong si FMG na ikinagulat ng lahat at ikinatawa nang husto ni Kathryn.
Tanong ng dating big boss ng ABS-CBN, “Kamag-anak mo ba si Daniel Padilla?”
Grabe ang hiyawan sa loob ng studio habang tawa nang tawa sina FMG at Kathryn.
Sabay sabi ng aktres kay Ginoong Garcia na tawang-tawa, “Hair, same hair, Incognito.”
Dagdag pa ni Kathryn, “Sir Raymart rock and roll, good luck, bro. Ha-hahaha!”
Marahil kung nasa loob kami ng studio ay mabibingi kami sa hiyawan at tawanan ng audience at naniniwala kami na karamihan sa kanila ay supporters nina Kathryn at Daniel.
View this post on Instagram
Maangas ang kilos at galaw ng contestant kaya posibleng naalala ni Kathryn si DJ ng mga sandaling iyon at kitang-kita ang pagliwanag ng mga mata ng dalaga nang marinig ang pangalan ng dating boyfriend kay FMG.
Anyway, speaking of “Incognito” ay nabanggit ng cast sa nakaraang mid-season mediacon nila na once na makapanood ng isa o dalawang episodes ng serye nila ay hindi mon a ito bibitawan dahil aabangan mo ang mga susunod na eksena na totoo naman talaga.
Kaya ang tanong namin ay isa kaya si Kathryn sa nanonood nito at inaabangan ang next episodes dahil alam niya ang kuwento ng karakter ng karakter ni Daniel?
Bulong niya kay FMG, “Incognito nga, nawawala-wala. Ha-hahaha.”
Kambal kasi ang contestants na sina Raymart at Raymond na hindi nila inamin noong una kaya’t nagulat ang mga hurado na sina FMG, Donnny Pangilinan, Kathryn at Eugene Domingo dahil may tricks sila sa German wheel acrobats nila.
Sa “Incognito” kasi kapag may misyon ang kontraks na kinabibilangan nina Richard Gutierrez, Baron Geisler, Anthony Jennings, Kaila Estrada, Maris Racal, Ian Veneracion at DJ nga ay laging nawawala ang huli dahil sa paghahanap niya sa nawawalang kapatid na si Jun (hindi pa nare-reveal kung sino siya) kaya’t lagi siyang hinahanap ng mga kasama, lalo na si contractor played by Ian.
Gayun din ang lola ni Daniel na si Malou de Guzman bilang si “Apo” na laging nagaalala sa binata kapag hindi ito nakakatawag sa isang araw at kapag tatawagan naman ay laging cannot be reach ang cellphone nito.
I’m sure nanonood din si DJ ng “PGT” kaya malamang nasaksihan niya ang episode na ito kagabi at sigurado rin kami na kinilig siya sa sinabi ni Kathryn.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.