Kathryn spotted na may sumundo sa BGC, sumakay nga ba sa luxury van na may plakang 8?

PHOTO: Instagram/@bernardokath
KAMUKHA lang ba ni Kathryn Bernardo o siya mismo ang nakita ng aming source na sumakay sa isang Toyota Alphard with plate number 8 noong madaling araw ng April 9, Miyerkules?
Gustong isipin ng aming source na kamukha lang ng aktres ang nakita niyang sumakay sa nasabing luxury MVP minivan na nakaparada sa isang parking lot sa Bonifacio Global City o BGC noong April 9 ng madaling araw, pero kasi ilang sasakyan lang ang pagitan kung saan din siya nakaparada.
“May hinihintay kasi ako sa parking lot, e, may nakita akong girl na pamilyar nagmamadaling maglakad sinundan ko ng tingin, si Kathryn, pero inisip ko madaling araw na anong meron? Mga past 2 or 3 a.m ‘yun.
“Siyempre, curious ako sinundan ko ng tingin, sumakay nga sa Alphard may plakang 8, e, di ba pag 8 congressman may-ari? Sinong congressman kaya ‘yun?” kaswal na kwento ng aming source.
Baka Bet Mo: Kathryn Bernardo naloka sa PGT contestant na ka-lokalike ni Daniel
Sabi namin ay wala namang kongresistang nali-link kay Kathryn at wala ring alam ang publiko na may kaibigan siyang ganyan ang posisyon.
Hirit ng aming source, “e di ba nali-link siya kay Mayor (Mark) Alcala? Baka naman?”
Inisip namin na hindi naman plakang 8 ang ginagamit ng mayor kaya tsinek namin ang mga kaanak ng Ama ng Lucena City kung isa sa kanila ay representative ng nasabing lalawigan pero wala naman sa kasalukuyan.
Ang mga nakita namin base sa Wikipedia ay pawang former na ibig sabihin ay dating naging representative ng Lucena City, tulad ng uncle ng ama niyang si Vice Mayor Dondon Alcala na si Ginoong Vicente Alcala at Ginoong Proceso Alcala, at kaanak ding si Irvin Alcala na anak ni G. Proceso.
At hindi naman puwedeng gamitin ang plakang 8 kapag tapos na ang termino bilang congressman.
Going back to Kathryn ay palaisipan sa aming source kung sino ang nakasakay sa nasabing luxury mini van na may plakang 8.
Dagdag kwento ng aming source, “Tsaka sa BGC ‘yan, ‘di ba humiwalay na si Kath ng tirahan? Nagsarili na siya, may sariling condo na, hindi mo alam?”
May tsismis na may sarili na siyang tirahan hindi nga lang malinaw kung condominium ito na sa BGC nga ang location dahil ang alam ng publiko ay sa Antipolo house siya umuuwi kung saan kasama niya ang magulang niya.
“Pinagawa ni Kath ‘yung bahay para sa pamilya niya na sabi nga ng mama niya (Mommy Min Bernardo) ay doon sila sama-sama at masaya silang lahat kahit sikat anak niya walang sikat-sikat kasi sa bahay nila si Mommy Min ang reyna. ‘Yan ang sabi niya sa interview niya kay MJ Felipe, napanood mo ba?” kwento ng aming source.
Ending pinanood namin ang panayam ng mama ng aktres sa “On Cue” show ni MJ na tinanong niya kung istriktang ina si Mommy Min.
At may pahayag si Mommy Min na sa kasalukuyan ay, “Strict mom, hindi naman yata. Napaka-cool mom ko nga in a way na for example sa mga lakad ngayong time na ‘to hindi na nga ‘yan nagpapaalam na ‘mama puwede ba akong pumunta do’n kundi magpapaalam na lang ‘yan na, ‘ma alis na ako, ha?’ ‘Yung ganu’n na lang kasi nga matanda na.”
Sa madaling salita hindi lahat ng lakad ni Kathryn ay alam ni Mommy Min at posibleng wala ring alam ang nanay niya kung sino ang kasama ng aktres noong April 9 ng madaling araw.
Sitsit pa ng aming source ay, “Sa bahay ng friends niya tumatambay si Kathryn at doon sila nagso-social drinking.”
Bukas ang BANDERA sa panig ni Kathryn o ng kampo niya tungkol sa isyung ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.