Daniel Padilla may pinatunayan sa haters; astig na Action Prince

Daniel Padilla
IN FAIRNESS, bawing-bawi na si Daniel Padilla sa matagal-tagal ding pagkawala niya sa mundo ng showbiz dahil sa tagumpay ng “Incognito.”
Pinatunayan ng Kapamilya actor sa lahat ng bashers niya na kaya pa rin niyang makabalik sa kabila ng panghuhusga at pangnenega sa kanya matapos silang maghiwalay ni Kathryn Bernardo.
Marami kasing nagsabi na mahihirapan na raw maka-recover si DJ sa kanyang career dahil sa breakup nila ni Kathryn dahil nga sa umano’y panloloko niya sa aktres.
Pero nang dahil nga sa tagumpay ng top-rated action series na “Incognito” ng ABS-CBN at Netflix, pak na pak na naman ngayon ang career ni Daniel.
Bukambibig ng mga manonood ang pangalang Andres Malvar, ang karakter ni DJ sa naturang serye. Tanggap na tanggap na rin siya ngayon ng madlang pipol bilang action star.
“This genre is new to me and na-enjoy ko naman itong genre na ito. Wala naman akong lini-label na action star ako, wala. It’s just a role also.
“Nagustuhan ko itong genre na ito kasi ang dami kong natututunan sa sarili ko. Nasusubukan ko yung sarili ko. Minsan hindi ko alam kung kaya ko pa. Sinasagad ko yung sarili kaya kapag nagawa ko eh kaya ko pala yun.
View this post on Instagram
“Mas nandun siya eh, mas nakikilala ko yung sarili ko. I enjoy doing action. Very physical,” ang pahayag ni DJ sa mid-season presscon ng “Incognito” kamakailan.
Proud na proud din si Daniel sa mga ginawa nilang eksena sa “Incognito” na kinunan pa sa Yamagata, Japan kung saan palaging negative degree ang weather.
“Dugo’t pawis ho ito, yung binigay namin dito. Sigurado kami na magugustuhan ninyo ang mga eksena namin dito kasi todo na Japan.
“Maraming salamat sa pagmamahal. Kasama yun. Kasama yung madudulas. Hindi mo maiiwasan. Talagang yelo yung dinadaanan mo.
“Natuklasan namin na meron palang linalagay sa sapatos para hidni madulas nu’ng last day na. Ha-hahaha! Pero okay naman. Basta tuloy tuloy yung action, madulas ka, tuloy tuloy pa rin.
“Sa totoong buhay, nangyayari yan. Okay lang. Yun yung nagpapatotoo dun sa action eh,” aniya pa.
Tawa rin nang tawa ang aktor nang banggitin niya ang mga naranasang challenge sa taping ng kanilang serye here and abroad, tulad ng Palawan, Benguet, Italy, at sa Japan.
“It was all worth it, grabe. Yung sa Japan, sobrang lamig, sa Itogon, sobrang init. Walang gitna. Parehong sobrang ganda. Hanggang ngayon proud pa rin ako sa show na ito!” chika ni DJ.
Bukod dito, naging solid na solid daw ang samahan ng buong cast, kabilang na sina Richard Gutierrez, Anthony Jennings, Ian Veneracion at Baron Geisler.
“Wala eh, iba na yung samahan namin lahat. Sabi nga ni Chard, we’re a unit. Totoo yun. Kahit saan kami dalhin, basta magkakasama, okay kami. At saka magtutulungan talaga. On and off sa set yun.
“Kasi, kahit nasa set kami eh hindi nag-iiwanan. Hindi rin siya madali eh, yung pagpunta sa set, pag-uwi, pagod ka na. Kami yun. So siguro kami rin yung nagbibigay ng lakas ng loob sa isa’t isa. Lalo na sa mga eksena namin na hindi madali.
“Kami-kami rin ang nagtutulungan talaga dun. Kahit mag-season 2 pa kami. Pero tapusin muna natin itong season 1. Ha-hahaha!” sey pa ni DJ.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.