Doktor na 1st crush ni Kathryn Bernardo 'nagulo' ang private life

Doktor na unang crush ni Kathryn Bernardo biglang ‘nagulo’ ang private life

Reggee Bonoan - April 10, 2025 - 09:30 AM

Doktor na unang crush ni Kathryn Bernardo biglang 'nagulo' ang private life

Kathryn Bernardo at Kenneth Hizon

NAALIW kaming basahin ang mga komento ng netizens tungkol kay Doc Kenneth Hizon na siyang kauna-unahang lalaking naging crush ni Kathryn Bernardo.

Mismong ang aktres ang umamin na first crush niya ang naturang guy noong nasa Grade 2 sila sa Flowerlane Montessori Children’s House sa Cabanatuan, Nueva Ecija.

Ayon sa netizens, tiyak na nagulo ang nanahimik na buhay ngayon ni Doc Kenneth dahil trending siya sa socmed at may identity reveal pa bilang isa na ngayong doktor.

Noong Oktubre, 2024 lang siya naging lisensiyado dahil naipasa niya ang Physician Licensure Examination o PLE, sa Far Eastern University kung saan siya nagtapos ng Medical Technology bilang kanyang pre-med.

Sa isang event ay nasambit ang, “Hindi na nalalayo si Doc Kenneth kay Doc Mike Padlan.”

Si Doc Mike Padlan ang ex-boyfriend ni Kris Aquino na simula nu’ng i-reveal niya ang pagkakakilanlan ay parati na ring laman ng social media at pahayagan.

Going back kay Doc Kenneth, aliw ang komento ng netizens sa website ng BANDERA. Narito ang ilan sa kanilang mga reaksyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Wag nyo nang guluhin ang buhay ni Dok Kenneth.”

“Oo nga.respect his privacy itong fans ni Kath dios mio di na sila nahiya.”

“Binulabog nila privacy ni doc kenneth. Sa nguon.ang topic.tungkol.ky.tungkol lovelife nya kng sino sino na lng.nililink from Alden,Mayor Mark Kyle (Echarri) then itong si doc Kenneth na di naman artista kinalkal pic at post sa soc media.”

“Yes! Busy sya as resident doctor!”

“Ang daldal kc ni Kathryn tuloy magulo na mundo ni doc.”

“Kaya Pala binabalandra ni Kathryn na single na single sya dahil bka makahanap pa ng Lalaking tigasin ‘yang doctor d sya maasikado Nyan dahil sa mga pasyente or iwan na lang ni Kathryn. Ang pag-aartista makasama lang yang doctor kung Yan na ang napili nya nakakabwisit ng basahin ang kanyang istorya sobrang masalimoot.”

“Daming detective fans c Kath.”

“Crush lang binigyan agad ng kahulugan.”

“Grabe bigla lang dumami ung followers niya sa IG at isa na ako dun hahahahahaha.”

“Still single sabi ng father ni Doc. Kenneth Hizon.”

Maraming nagsabing bagay naman sina Kath at Doc Kenneth kaya lang baka hindi sanay sa buhay showbiz ang guy kaya dapat pag-isipang mabuti kung may plano siyang ligawan ang aktres.

* * *

Swak para sa pamilyang Pilipino ngayong semana santa ang pelikulang “The Chosen: Last Supper” na rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang) mula sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Ito ay kwento ng buhay at pakikisalamuha ni Kristo Hesus mula sa mga tala at kanyang mga disipulo. Sa ilalim ng PG, kailangang kasama ang magulang ng mga batang edad 12 at pababa.

Rated PG din ang mga sumusunod; ang American action-thriller na “The Amateur,” tungkol sa isang CIA cryptographer na naghahanap sa mga taong pumatay sa kanyang asawa.

Ang American drama na “Rule Breakers,” tungkol sa isang babaeng naglakas-loob na magturo sa isang bansang ipinagbabawal ang pag-aaral ng mga kababaihan; at,

-“Bloat,” isang co-production ng Russia, France at Japan.

Say ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio, “Ang mga pelikulang ito ay mas maiintindihan at mae-enjoy ng mga batang manonood kung sila ay sasamahan at gagabayan ng kanilang mga magulang.”

Para naman sa mga naghahanap ng aksyon, bagay ang Filipino romantic-comedy na “Un-Ex You,” na pinagbibidahan nina Kim Molina at Gerald Napoles, na rated R-13 dahil sa lenggwahe na di bagay sa mga edad 13 at pababa.

R-13 din ang “Drop” at “The Red Envelope” mula sa Thailand. R-16 (edad 16 pataas) ang “A Working Man” at “The Demon Disorder.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Paalala ng Board sa mga magulang na gamitin ang MTRCB ratings bilang gabay sa pagpili ng panonoorin kapag kasama ang mga batang manonood.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending
News Hub