Kenneth Hizon first crush rin si Kathryn, may chance kaya?

Kenneth Hizon first crush rin si Kathryn Bernardo, may chance kaya?

Reggee Bonoan - April 12, 2025 - 05:31 PM

Kenneth Hizon first crush rin si Kathryn Bernardo, may chance kaya?

“TO BE honest, siya rin ang una kong naging crush.”

Ito ang napangiting sabi ni Doc Kenneth Hizon sa eksklusibong panayam ni Von Belinario ng News5.

Finally, natagpuan na at nakapanayam na si doc Kenneth na unang naging crush ng aktres na si Kathryn Bernardo na umamin sa episode ng “Pilipinas Got Talent” kamakailan.

Simula nang banggitin ito ni Kathryn ay hindi na tumigil ang netizens na i-research ang pagkakakilanlan nito at nalamang kakapasa lang nito ng kanyang Physician Licensure Exam o PLE no’ng Oktubre 2024 at kasalukuyang resident doctor sa isa sa hospital sa Cabanatuan City. Sa Far Eastern University nagtapos si doc Kenneth ng Medical Technology bilang pre-med.

Baka Bet Mo: 1st crush ni Kathryn Bernardo hinanting ng fans, doktor na ngayon

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ang reaksyon ni doc Kenneth nang banggitin ni Kathryn ang pangalan niya hanggang sa naging viral na siya sa social media.

“Actually nakakatuwa and pero the same time nakaka-overwhelm kasi being a private person nakaka-overwhelm pero okay lang naman, “nakangiting sagot ni doc Kenneth.

Kasalukuyang duty noon si doc Kenneth nang pumutok ang balita (kasalukuyang palabas ang PGT)

Aniya, “my friends started tagging me do’n nga sa video ni Kathryn in PGT which became viral kaya doon ko nalaman.”

Mula nursery ay magka-kaklase na pala sina doc Kenneth at Kathryn sa Christian Faith Montessori hanggang sa pareho silang lumipat sa Flowerlane Montessori Childrens’ House sa Cabanatuan, Nueva Ecija.

“Simula no’n hindi ko na maalala kung hanggang Grade 1 o 2 kami magka-kaklase,” kaswal na sabi ng firsh crush ni Kathryn.

Sa pag-amin ni Kathryn sa “Pilipinas Got Talent” na may crush siyang mestizo na ang pangalan ay Kenneth na halatang kinikilig daw ang aktres ay ano ang naging dating kay doc?

“Nu’ng una, I wasn’t sure kasi siyempre Kenneth, e, hindi naman siguro ako lang ang Kenneth sa buong Flowerlane pero nu’ng ni-recall ko parang, ‘ahh baka nga ako?’ Pero siyempre hindi ko naman sinasabing ako, malaki lang ang chance,” paglalarawan ni doc Kenneth ng kanyang naramdaman.

Ano ang mga naalala ng binatang duktor sa panahong magka-kaklase pa sila ni Kathryn.

“Si Kathryn? Naalala ko sa kanya is masayahin siyang tao and pag nakita mo siya, siya talaga ‘yung bright kid ganu’n tapos siyempre maganda kahit bata pa lang,: sabi pa ni doc Kenneth.

Nang banggitin ni Kathryn na siya ang crush, may crush din ba si doc Kenneth sa section nila noon?

Natawa muna si doc Kenneth, “to be honest, siya rin ang una kong naging crush, ha, ha, ha.”

Tinukso si doc Kenneth ni Von, “hooh, crush nila ang isa’t isa.”

Ano naman ang nakitang qualities ni Kathryn.

“Una maganda and pangalawa is sobrang bright niya talaga as in pag nakita mo siya ay matutuwa ka talaga,” paglalarawan ni doc Kenneth sa kilalang aktres ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya naging viral pa si doc Kenneth ay dahil nakita na ang mga larawan nila noong bata sila hanggang sa itinutukso na sila sa isa’t isa at maraming nagsabing fans na gumawa na ng move ang duktor, pagalawin ang baso, ligawan mo na at kung anu-ano pa. Ano ang take rito ng binata.

Muling tumawa ang duktor, “first siyempre nakakatuwa kasi ikaw ba naman ang maging crush ng isang Kathryn Bernardo, di ba? Tapos okay naman na-overwhelmed lang talaga ako nu’ng una and so far all good naman.

Ano kaya ang reaksyon ni Kathryn na nahanap na ang kanyang firsh crush?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending