Andre Paras binoldyak vlogger na nag-akusa kay Kobe ng ‘walwal nang walwal’

Andre Paras, Kyline Alcantara at Kobe Paras
IPINAGTANGGOL ng Kapuso star na si Andre Paras ang kapatid na si Kobe Paras laban sa isang content creator na nagbigay ng malisya sa pag-attend nito sa isang party.
Beast mode ang aktor nang makita at mapanood ang vlog ng naturang content creator kung saan binarag nga nito si Kobe at inakusahang walwal nang walwal.
Sa kanyang Facebook account, isang mahabang pahayag ang ibinahagi ni Andre para dumepensa at ipagtanggol ang nakababatang kapatid.
Makikita sa post ni Andre ang tatlong screenshots – una ay ang profile ng vlogger, ang Reel kung saan naka-foreground ang face nito na may naka-superimpose na katagang, “Lifestyle na gusto niya.”
Mababasa rin ang caption sa Reel na, “Life style niya parang nakawala sa hawla.”
Sa isa namang screenshot ay makikita ang photos na kuha mula sa isang party kung saan makikita si Kobe kasama ang ilang kaibigan at isang babae.
View this post on Instagram
Ang nakasulat sa caption nito, “So ito ang gusto mo sa buhay mo Kobe walwal lang nang walwal? With these guys at sino naman yang babae na Yan?” Sinundan ito ng mga hashtag na “#KobeParas #Kobe #partyboy”.
Base sa profile ng vlogger, mukhang fan ito ni Kyline Alcantara na na-bad trip kay Kobe dahil nakuha pa nitong mag-party-party sa gitna ng chika ng breakup nila ng Kapuso actress.
Narito naman ang naging bwelta ni Andre sa vlogger: “Kobe is with his friends and he’s having fun. They are doing it in the right place and time. They are in a club. It’s legal to have fun and make noise there right?
“Magtaka po kayo kapag nag club ang isang tao tapos nag nagbabasa lang sila lang ng libro doon o kaya pumunta doon para lang matulog.”
Sey pa ni Andre, kung totoong concern ito sa “KyBe” (pinagsamang Kyline at Kobe) bakit kailangan niyang maglabas ng malisyosong intriga tungkol sa kanyang kapatid.
“If you really cared about kybe then you will not be doing this at all this. I know what you’re trying to do
“You’re trying to make my brother look like a bad person,” ang punto pa ng aktor.
Pagpapatuloy pa ni Andre, “Since magaling kayo mag stalk eh di dapat alam niyo yung mga kasama na babae dyan ay ang mga girlfriend ng mga friends ni kobe?
“Pero of course di mo sasabihin sa followers mo yan dahil gusto mo gumawa ng issue.
“Issue = views.
“Views = monetary gains.
“I understand how addicting it is to get views and comments on a social media post.
“But doing it this way? Nako po. Using others name and private life for clicks and views?
“If you’re monetizing this then it will say a lot about what you’re trying to do maam,” sabi pa ng kuya ni Kobe.
Ang tula pagbabanta pa ni Kobe sa vlogger, “Don’t even try deleting the videos you’ve made or even blocking me. You’ll just be tampering with evidence.
“I’m his kuya and I have the right to stand up for him against people like you who only care about making him look bad,” ang buong post ni Andre.
Kasunod nito, binura ng netizen ang kanyang mga post sabay hingi ng patawad kay Andre, “Hello po Andre, I’m sorry po sa mga na post, nasobrahan lang po akong affected I’m really sorry po.”
Sa panayam naman ni Gorgy Rula sa tatay ni Kobe na si Benjie Paras, sinabi nitong hindi totoong break na ang anak at si Kyline.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.