Gloria Romero pumayag na muling umapir sa ‘Daig Kayo Ng Lola Ko’; Andre Paras nag-enjoy bilang kontrabida
BILANG bahagi ng 5th anniversary ng weekly drama-fantasy-adventure anthology ng GMA 7 na “Daig Kayo ng Lola Ko”, magbabalik sa programa ang movie queen na si Gloria Romero.
Abot-langit ang pasasalamat ng buong production ng “Daig Kayo Ng Lola Ko” dahil pumayag nga si Tita Glo na muling umapir sa kanilang espesyal na episode ngayong Linggo.
Matagal-tagal na rin kasing hindi napanood si Tita Glo sa nasabing programa ng Kapuso Network dahil sa health condition nito. Mas pinili ng aktres na magpahinga muna sa pagtatrabaho noong magkaroon ng pandemya.
Ayon sa produksyon, ang award-winning veteran actress ang magbibigay ng short intro para sa anniversary episode ng show.
Sabi ng AVP for Drama ng GMA na si Ali Dedicatoria, “For the anniversary series, nakapagpagawa kami ng short intro kay Tita Glo. Pero for anniversary series lamang, not for the entire 2022 or even for 2023.
“Kasi nga yung old age ni Tita Glo, we really need to take care of her. Na talagang hindi siya talaga masyado ring mae-expose sa mga tao.
“So, ayaw naman namin na parang yung ‘Daig’ pa ang maging reason para makakuha siya ng COVID or whatever.
“Pero for the anniversary series, yung mga rare moment na makikita natin si Tita Glo, makikita niyo for the month of July. So, isa yun du’n sa special ano namin for Daig Kayo ng Lola Ko anniversary,” aniya pa.
Ang four-part anniversary special ng show na may titulong “Bida Kontrabida” ay pagbibidahan nina Rufa Mae Quinto as Evil Queen, Jo Berry as Rumpelstiltskin, Cai Cortez as Sea Witch, at Andre Paras as Big Bad Wolf.
Kuwento ni Rufa Mae, “Nakakatuwang bumalik sa GMA, then binigyan pa ako ng anniversary show. Talagang happy at nakaka-proud dahil sa matitinding effects. Bukod diyan, nakahanap pa ako ng mga bagong kaibigan at puro good vibes lang kami sa taping.”
Sey naman ni Jo, “Second time ko na itong makasama sa anniversary special ng Daig Kayo Ng Lola Ko. At bago pa ako maging artista, talagang pinapanood ko na siya. Kaya thankful ako sa GMA sa mga binibigay nilang roles na pwedeng panoorin ng mga bata at kapupulutan nila ng aral.”
At sa pagbabalik din ni Cai sa programa, ang “Bida Kontrabida” raw ang most memorable para sa kanya, “Grateful ako to meet new friends and create a new family here. Magandang memory ito sa showbiz career ko dahil first time ko silang makatrabaho pero nagkasundo agad kaming lahat.”
View this post on Instagram
Chika naman ni Andre, “First time kong maging kontrabida pero ang good thing is very light siya for the kids. I felt young ulit kasi fairytale tapos naging character ko pa si Big Bad Wolf na kinakatakutan ko noong bata ako, so parang I also conquered my fear.”
Completing the cast are Beverly Salviejo as Lola Caring, Dentrix Ponce as Boyet, Ollie Espino as Teban, and Lime Aranya as Princess. May special participation din sa show sina Glaiza de Castro, Rocco Nacino, Thea Tolentino, at Barbie Forteza.
Sisimulan na ang episode na pinamagatang “Bida Kontrabida” sa darating na Linggo, July 10, pagkatapos ng “24 Oras Weekend.”
https://bandera.inquirer.net/291897/gloria-romero-muling-nakausap-ang-dating-guro-na-100-years-old-na-ngayon-nakakaiyak-naman-po
https://bandera.inquirer.net/302658/geneva-nang-alukin-ng-gma-bilang-kontrabida-sabi-ko-teka-muna-di-ko-alam-kung-matutuwa-ako-diyan
https://bandera.inquirer.net/307496/dimples-romana-naging-beauty-queen-muna-bago-sumikat-sa-showbiz-kinoronahan-ni-gloria-diaz
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.