Glaiza de Castro buntis na ba kaya biglang naiyak sa presscon?

Glaiza de Castro buntis na nga ba kaya biglang napaiyak sa presscon?

Ervin Santiago - March 16, 2025 - 07:15 AM

Glaiza de Castro buntis na nga ba kaya biglang napaiyak sa presscon?

David Rainey at David Rainey

BINIRO ng entertainment press si Glaiza de Castro na baka raw pregnant na siya matapos mapaiyak sa presscon ng bago niyang movie, ang “Sinagtala.”

Hindi napigilang maging emosyonal ng Kapuso actress-singer nang matanong tungkol sa kahalagahan ng musika sa kanyang buhay dahil nga may pagka-musical ang tema ng kanilang pelikula.

Kasama niya sa “Sinagtala” sina Rayver Cruz, Rhian Ramos, Arci Muñoz at Matt Lozano kung saan gaganap sila bilang mga miyembro ng bandang Sinagtala.

Habang sinasagot ang tanong ay bigla na lang umiyak si Glaiza, “Bukod sa prayers, isa sa mga talagang masasabi kong nagsalba sa akin sa kalungkutan ay musika. Yun ang ano (napaluha na).

“Hala! Bakit ako naiiyak? Sorry, guys, feeling ko lang may PMS (Premenstrual syndrome) ako, so medyo emotional ako.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Glaiza De Castro (@glaizaredux)

Pagkatapos sumagot ng aktres ay biniro nga siya na baka may baby na sa kanyang tummy kaya bigla siyang naging emotional. Natawa muna ang aktres sabay sabing hindi pa siya buntis

Ngunit kung bibiyayaan na raw sila ng kanyang asawang si David Rainey ng baby ay handa na naman daw sila.

“Ready na kami. Pinagpi-pray lang namin kung kailan. Isa yan sa hinihiling ko rin kay Lord. Pero kung kailan Niya ibigay.

“Ayoko naman din i-pressure yung sarili ko, i-pressure kaming dalawa ni David. Kasi ang hirap din ng sitwasyon namin na paganu’n-ganu’n din kami.

“Pero nananalig ako na kapag dumating yun, si Lord yung nagbigay nu’n. Siya ang nakakaalam kung kailan darating yung order ko,” aniya.

Inamin naman ng aktres noong bagong kasal pa lang sila ni David na ayaw muna nilang magkaanak dahil nais nilang mag-focus muna sa isa’t isa. But now, super ready nang maging mommy si Glaiza.

Samantala, ibinandera ni Glaiza sa harap ng press kung gaano siya ka-proud sa pelikula nilang “Sinagtala” na idinirek ni Mike Sandejas. Siya ang gaganap bilang leader ng kanilang banda.

“Proud ako sa mga kasama ko dito. Kasi, hindi po ito parang… meant to be talaga ni Lord na mabuo kaming lima.

“Maraming na-consider for the roles, pero siguro, talagang si Lord yung nag-orchestrate na kami yung mabuo.

“Kasi ang hirap po nung mga schedule namin! Parang ang surreal pa ring isipin na kasama ko sila sa pelikula na ito. Kasi hindi ito normal na nangyayari, na kaming lima po ay magkasama-sama.

“Siguro nu’ng mga bata pa kami, yan sina Rayver. Kumbaga, parang si Arci, matagal ko na siyang kakilala pero ngayon lang tayo nagkasama sa pelikula.

“Si Matt, nakatrabaho ko na rin pero sa pelikula. So, sobrang proud po ako dito sa pelikula na ito. And I’m also proud kay Direk Mike Sandejas. Kasi, napakapersonal po ng kuwento na ito sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kung matatanong niyo po siya, matagal na po niya itong naisulat. Pero ngayon, may ibang meaning na ang pelikulang ito. At sana po, iyong meaning na yun ay mangusap din sa inyo pag napanood ninyo,” lahad ni Glaiza.

Showing na ang “Sinagtala” sa mga sinehan simula sa April 2, 2025.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending
News Hub