Sinagtala pinalakpakan sa premiere night; Matt Lozano rebelasyon

‘Sinagtala’ pinalakpakan sa premiere night; Matt Lozano rebelasyon!

Ervin Santiago - March 24, 2025 - 06:00 AM
'Sinagtala' pinalakpakan sa premiere night; Matt Lozano rebelasyon!

PINALAKPAKAN at pinuri nang bonggang-bongga ang pelikulang “SINAGTALA” ng mga nanood sa ginanap na Red Carpet Premiere Night & Celebrity Screening sa SM Megamall Cinema 3.

In fairness, maganda ang pagkakabuo ni Direk Mike Sandejas sa “SINAGTALA”, bukod sa magagaling lahat ng cast members sa pangunguna nina Glaiza de Castro, Rhian Ramos, Rayver Cruz, Arci Muñoz at Matt Lozano (na hindi imposibleng mag-win ng acting awards), siguradong pag-uusapan din ng manonood ang tema at kuwento nito.

Na-enjoy din namin ang mga kantang ginamit sa movie na nakaka-LSS, dahil habang palabas na kami ng sinehan ay kinakanta na namin at ng iba pang nanood ang soundtrack.

Super clap at super laugh din ang audience sa ilang highlights ng pelikula, kabilang na ang eksena nina Arci at Matt sa loob ng bar kung saan sila nagkabukingan ng secrets. Bongga yun!

In fairness uli, talagang revelation si Matt sa movie, bawat eksena kasi niya ay tumatatak at nagmamarka sa manonood. Bukod sa nabanggit naming eksena nila ni Arci, may moments din siya with Benjie Paras na gumaganap na tatay niya sa pelikula, tulad ng pag-come out niya bilang bading.

At naiintindihan na rin namin ngayon kung bakit naiyak at naging emotional si Glaiza sa presscon ng kanilang pelikula. Feeling namin kapit na kapit pa rin siya sa naging role niya sa movie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Marami ring hugot at gustong ipaglaban ang pelikula pero ang talagang nagmarka sa amin ay ang kahalagahan ng support system at faith sa bawat taong dumaraan sa mga challenges ng buhay.

Kaya sana, maraming makapanood ng “SINAGTALA”, na showing na sa mga sinehan sa April 2, 2025. Promise, hindi masasayang ang pera n’yo at hindi feeling nabudol.

* * *

Sa presscon ng pelikula kamakailan ay natanong sina Rhian, Glaiza at Arci kung ano ang natutunan nila sa pelikula.

Sagot ni Rhian, “Makaka-relate lahat ng artists na they found their work dun sa art nila na nagsimula sa passion na kapag naging negosyo siya nagbabago siya.

“Something that you grew up dreaming about becomes more about the money, fame. Iba na ‘yung iniisip mo kung ano ba ‘yung success.

“I feel connected to my character in a sense na para bang finding yourself again na nahahanap mo ulit ‘yung center mo dun sa passion at pagmamahal mo sa ginagawa mo just realizing how lucky you are to just get to do your craft,” sey ng Kapuso star.

Sabi naman ni Glaiza, talagang nababago ang pangarap ng isang tao depende sa sitwasyon ngayon ng kanyang buhay.

“Hindi lang doon sa pangarap pati rin sa purpose. Hindi naman natatapos ‘yung mga pangarap natin. Nu’ng mga bata tayo, gusto lang natin maging artista or astronaut or doktor.

“Nu’ng naging artista ka na, iba na ‘yung pangarap. Nu’ng nag-asawa ka, nag-iba ulit ‘yung pangarap mo. Pero ‘yung pangarap na ‘yun ay kaakibat ng purpose. Kung ang pangarap mo ay pangsarili lang, walang fulfillment,” saad ni Glaiza.

Pahayag ni Arci, “Konti lang po kasi ‘yung friends ko. ‘Yung mga ka-banda ko, sila talaga ‘yung nag-stick talaga sa akin hanggang ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sa mga struggle ko sa buhay, ‘yung mga totoo kong kaibigan, sila talaga ‘yung mga tatakbuhan ko sa oras na parang walang-wala ka talaga,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending