Arci Muñoz sa ilang beses na pagpaparetoke: ‘God has a purpose’

Arci Muñoz
FEELING ng aktres na si Arci Muñoz, may purpose ang ginawa niyang pagpaparetoke sa ilang bahagi ng katawan, lalo na sa kanyang mukha.
Walang hiya-hiyang inamin ng dalaga na ilang beses na siyang sumailalim sa beauty enhancements at hindi niya naman daw ito itinatago o idinedenay.
Sa guesting ni Arci sa “Fast Talk with Boy Abunda” last Friday, March 21, diretsahan siyang tinanong kung ano ba ang katotohanan sa hindi mamatay-matay na isyu tungkol sa kanyang pagpaparetoke.
“Tito (Boy) naman, obvious ba? OG na OG na nga ako diyan. Napapagod na nga rin ako. Sobrang pagod na ako!” ang sagot ni Arci kasunod ang malakas na tawa.
Ayon sa aktres, sa totoo lang daw, may nararamdaman din siyang pagsisisi kung bakit pa niya ipinagalaw ang kanyang mukha.
“Actually, alam mo, may reason kung bakit nangyari sa akin ‘tong mga ‘to. Kasi may mga regrets din ako pagdating diyan.
View this post on Instagram
“Pero alam mo, sinabi ko talaga sa sarili ko, ‘God has a purpose because I learned.’ And when someone approaches me and they’re like, ‘Mona (Ramona Cecilia Muñoz ang tunay niyang name), should I do this? Should I do that?’
“I was, like, if I think they don’t really need to do it, ‘Nooo! No girl, huwag talaga. You’ll regret it, sige ka.’ So ako talaga, ‘Yun pala. Yun pala ang reason. Yun pala ang purpose,'” pag-amin ng isa sa mga cast members ng pelikulang “Sinagtala”.
Sundot na tanong sa kanya ni Tito Boy, “Ano yung madalas na itanong sa yo na sinasabi mong ‘Don’t touch this. You can touch anything pero huwag ito’?”
Tugon ni Arci, “Palagi ang itinatanong, ‘Saan ka nagpaayos ng nose?’ Sabi ko, ‘Marami, e…’ Ha-hahaha! ‘Alin kaya du’n? Wait lang… anong version?'” sabay apir kay Tito Boy.
“Kasi nga, Tito, gusto ko i-reinvent palagi din ang sarili ko kasi nga I am very spontaneous. So, kunwari maisip ko na parang… alam mo yung kasi…dati ito ha, pero ngayon less is more na talaga.
“Pati dati sa pagme-makeup ko, dati talaga, talagang black eyeshadow ako. Tapos kapag tinitingnan ko yung mga picture ko, ‘Oh my gosh, why did I do that?’” dugtong pa ng dalaga.
Nagbigay din siya ng advice sa lahat ng mga nais ding magparetoke, “I always tell them, ‘You have to really think it through, okay? Huwag kang tutulad sa akin na talagang very…’
View this post on Instagram
“Wala kasing nag-guide sa akin kasi nga matigas ang ulo ko so I do whatever I want,” aniya pa.
Patuloy pa ni Arci, “If I can go back to that time when I didn’t touch anything, I would go back there. Yeah! Pero since I already did it, I’m never gonna stop!”
Sa ngayon, wala na raw siyang gustong galawin o ipabago sa kanyang itsura, “No! No! Kasi ano, baka sawa na sila sa version ko, e, 2025 na, 2020 pa rin nakita nila. Wala na.
“Okay na ako dito. Masayang-masaya, okay na ako. Ay, siguro ito…charot! Wala, okay na talaga,” ang super laugh pang chika ni Arci.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.