Arci Muñoz ilang beses iniligtas ng BTS; very proud sa pelikulang ‘Sinagtala’

Arci Muñoz, BTS, Rayver Cruz, Rhian Ramos, Glaiza De Castro ất Matt Lozano
HANGGANG ngayon ay itinuturing pa rin ng aktres at singer na si Arci Muñoz ang K-pop super group na BTS bilang isa sa mga inspirasyon niya sa buhay.
Rebelasyon ng dalaga, napakalaki ng impluwensiya ng South Korean boy group hindi lamang sa kanyang showbiz career kundi maging sa kanyang personal life.
Knows n’yo ba na talagang gumagastos nang bonggang-bongga si Arci para mapanood ang BTS sa kanilang mga concert sa iba’t bansa? Idagdag pa ang mga binibili niyang merchandise ng grupo na super expensive.
Nakachikahan ng entertainment media si Arci sa presscon ng bago niyang pelikula, ang “Sinagtala” kung saan makakasama niya ang mga Kapuso stars na sina Rhian Ramos, Rayver Cruz, Matt Lozano at Glaiza de Castro.
Ito’y mula sa direksyon ni Mike Sandejas under Sinagtala Productions at showing na sa mga sinehan simula sa April 2, 2025.
Iikot ang kuwento ng “Sinagtala” sa isang banda na ang pangalan ay Sinagtala. Iisa-isahin sa pelikula ang mga hamon at pagsubok na pinagdaraanan ng bawat miyembro ng grupo.
Sa isang bahagi ng mediacon ng “Sinagtala” ay natanong ang cast members kung ano ang mga kanta o themesong ng buhay nila sa ngayon.
View this post on Instagram
At dahil nga isang certified Army si Arci, ang isinagot niya ay ang “Yet to Come (The Most Beautiful Moment)” ng BTS.
“’Yet to Come’ ng BTS kasi sila rin ang nagpapasaya sa akin. Maraming times talaga na sinave ako ng BTS.
“Tapos malapit na silang lumabas sa military (training, sa South Korea). So, hey, gastos! Ha-hahahaha!” chika ni Arci.
Hirit pa niya, “Nagtatrabaho na po uli ako ngayon para may pambili ako ng ticket, may pambudol.
“Naniniwala ako na sa dami ng pinagdaanan ko, the best is yet to come and this is my year, na magiging blockbuster ang Sinagtala!” sabi pa ng award-winning actress.
Inamin ni Arci na medyo nahirapan siyang gampanan ang role niya sa pelikula dahil bukod sa mabigat ang karaktee ay malayung-malayo rin ito sa tunay na buhay.
Na-touch din daw siya matapos mabasa ang script ng “Sinagtala”, “Konti lang po kasi ‘yung friends ko. ‘Yung mga kabanda ko, sila talaga ‘yung nag-stick talaga sa akin hanggang ngayon.
“Sa mga struggle ko sa buhay, ‘yung mga totoo kong kaibigan, sila talaga ‘yung mga tatakbuhan ko sa oras na parang walang-wala ka talaga,” sey ng dalaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.