Arci Muñoz nagsisi nga ba sa kanyang pagpaparetoke?

Arci Muñoz nagsisi nga ba sa kanyang pagpaparetoke?

Therese Arceo - March 22, 2025 - 10:04 PM

Arci Muñoz nagsisi nga ba sa kanyang pagpaparetoke?

AMINADO ang aktres na si Arci Muñoz na nakaramdam siya ng pagsisisi sa kanyang ginawang pagpaparetoke ng mukha.

Sa kanyang naging guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, March 21, ibinahagi ng aktres ang tungkol sa kanyang pagpapagawa o pagpaparetoke.

“OG na OG nga ako dyan [sa pagpaparetoke]. Napapagod na nga rin ako, e… Girls, nauna na ako dyan. Kung mayroon kayong gusto, i-consult n’yo na lang ako,” panimula ni Arci.

Dagdag pa niya, may rason raw ang kanyang mga ginawa kahit na aminado siyang nakaramdam siya ng panghihinayang.

Baka Bet Mo: Arci Muñoz balak magpa-freeze ng ‘itlog’, ayaw pa-pressure sa lovelife

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Actually, alam mo, may reason kung bakit nangyari sa ‘kin ‘tong mga ‘to. Na parang kasi may mga regrets din ako pagdating d’yan eh. Pero alam mo, inano ko talaga, sinabi ko sarili ko God has a purpose because I learned,” pagbabahagi ni Arci.

Kaya naman kapag may mga taong lumalapit sa kanya at nagtatanong patungkol sa pagpapa-enhance sa sarili ay talagang pinapayuhan niya ang mga ito.

“If I think that they don’t need to do it, no. No girl. Wag talaga. You’ll regret ka. Sige ka. So ako, ‘yun pala. ‘Yun pala ‘yung reason. ‘Yun pala ang purpose,” sabi pa ni Arci.

Very spontaneous kasi ang aktres at madalas ay pakiramdam niya na gusto niyang i-reinvent ang sarili kaya kung anu-ano ang kanyang sinusubukan.

Noon raw kasi ay walang tao na nandyan para gabayan siya sa kanyang mga desisyon sa buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Wala kasing nag-guide sa akin kasi nga matigas ang ulo ko so I do whatever I want. If I can go back to that time when I didn’t touch anything, I would go back there,” amin ni Arci.

Ngunit sa kabila nito ay sinabi niya na pinaninindigan niya kung ano man ang kanyang ginawa.

Nang tanungin naman kung may balak pa siyang ipagawa sa kanyang sarili ay sinabi niyang masaya na siya sa ngayon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending