Xian Gaza kay Alex Gonzaga: Ang ganda na niya, sinira pa

Xian Gaza sa pagpaparetoke ni Alex Gonzaga: Ang ganda na niya, sinira pa

Therese Arceo |January 03,2024
facebook
share this

Xian Gaza sa pagpaparetoke ni Alex Gonzaga: Ang ganda na niya, sinira pa

Therese Arceo - January 03, 2024 - 06:43 PM

Xian Gaza sa pagpaparetoke ni Alex Gonzaga: Ang ganda na niya, sinira pa

DIRETSAHANG pinuna ng social media personality na si Xian Gaza ang ginawang pagpapa-enhance ng ilong ni Alex Gonzaga.

Sa kanyang recent post ay nagbigay siya ng kanyang opinyon ukol sa ginawang pagpapaayos ng bunsong Gonzaga.

Base sa picture, nasa Bangkok, Thailand si Xian at umiinom ng fruit shake sa harap isang food stall.

“Pag naglakad-lakad ka dito sa Thailand, mapapansin mo na pare-parehas yung ilong ng mga ladyboy.

Same same nung bagong ilong ni Alex Gonzaga,” saad ni Xian.

Hirit pa niya, “ang ganda ganda na niya eh, sinira pa.”

Baka Bet Mo: Xian Gaza sinabing ‘wrong move’ ang pa-official statement ni Bianca Manalo

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sey pa ni Xian, wala naman daw masama sa pagpaparetoke basta mas lalo kang magiging presentable sa tao.

“Walang masama sa pagpaparetoke as long as mas gaganda ka, in the first place yun ang pinaka-purpose ng cosmetic surgery.”

Umani naman ng samu’t saring komento mula sa madlang pipol ang naging pahayag ni Xian.

“Nilaro mo na naman HAHAHAHHAHA,” saad ng isang netizen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Comment naman ng isa sa post ni Xian, “Kapag bumira Ka talaga Saket tiyan ko hahaha.”

Samantala, wala pa namang pahayag si Alex sa mga sinabi ng social media personality.

Bukas naman ang Bandera para sa pahayag ng kampo Gonzaga ukol sa mga sinabi ni Xian.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending