Robin 'hulicam', hinalikan OFW na nagpa-selfie sa Netherlands

Robin Padilla ‘hulicam’, hinalikan OFW na nagpa-selfie sa Netherlands?

Ervin Santiago - March 27, 2025 - 11:01 AM
Robin Padilla 'hulicam', hinalikan OFW na nagpa-selfie sa Netherlands

TRENDING at viral ngayon ang isang video sa social media kung saan mapapanood ang umano’y paghalik ni Sen. Robin Padilla sa dalawang babae sa Netherlands.

Base sa naturang video, nangyari ito sa pagtitipon ng mga OFW at Pinoy supporters ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na naka-detain ngayon sa The Hague, Netherlands.

Sa napanood naming video clip sa TikTok at X (dating Twitter) unang ipinakita ang isang babae na nagpapa-selfie sa actor-public servant pero makikitang bigla na lang hinalikan ng senador sa pisngi ang OFW.

Mukhang hindi naman nagalit o na-offend ang babae sa ginawa umano ni Robin na hindi pa malinaw kung kasama sa grupo ng senador na nagtungo sa Netherlands o isa sa mga Pinoy OFW na sumugod sa The Netherlands para ipakita ang suporta kay Duterte.

Bukod dito, isang kababayan din nating Pinay na nakilahok sa pagtitipon ng mga DDS sa The Hague ang hinalikan ni Robin matapos mapansin na tila inaantok na ng mga oras na yun.

Para sa mga supporters ni Robin, wala naman silang nakikitang masama sa ginawa nitong paghalik sa dalawang Pinay dahil mukhang katuwaan lang naman daw ang nangyari.


Masyado lang daw malisyoso ang utak ng mga bashers ng senador at sigurado raw na hindi ito ikagagalit ng asawa niyang si Mariel Rodriguez dahil alam nilang sanay na sa ganitong mga sitwasyon ang TV host.

Narito ang mga comments ng netizens sa viral kissing video ng aktor at senador.

“Sarap naging senator para sa duterte d para sa bayan dahil sa pera tiisin ang ninyo mga bomoto dyan para quiboloy at duterte lang cya dami Tao dyan mahirap ano ba pangako mo sa bayan.”

“Ano sa palagay nyo iboboto pa ninyo.”

“Hooy magtrabaho ka naman di puro bulakbol sayang ang pera ng taong bayan sayo.”

“Tapos sasabhin ni mariel sya lang hyyy nko nman mariel.”

“Ala talaga karamihan ng tao ngayon malungkot sa nanyari Kay fprrd ito sí robin kung wala kaman solidong ambag Kay Duterte umuwi kanalang tandaan mo ung sahod mo pag ka senador galing sa taong bayan mahiya ka.”

“Nahawaan n tlga kaya loyal n loyal sa mga duterte.”

Nasa The Netherlands si Robin para samahan si Vice President Sara Duterte na siyang nag-aasikaso sa mga kailangan ng kanyang tatay para sa gagawing paglilitis ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng mga umano’y nagawa niyang “crimes against humanity”.

Samantala, sa kanyang Facebook page naman ay nag-post si Robin ng video kasama ang ilan nating mga kababayang OFW na patuloy pa ring sumusuporta kay Duterte.

Aniya sa caption, “Ang ating mga bayaning kababayan nanggagaling sa ibat ibang sulok ng mundo gamit Ang sarılı nilang perang pinaghirapan sa abroad para ipakita at iparamdam ang kanilang nagsusumigaw na damdamin sa sinapit ng ating dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi pa nagsasalita ang action star kung totoo ba o gawa-gawa lang ang kumalat na video. Bukas ang BANDERA sa magiging reaksyon at pahayag ni Sen. Robin hinggil dito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending