Ashley Ortega nilayasan ang pamilya: Sobrang sakit, Ma! Hindi ko na kaya!

Ashley Ortega
PANG-TELESERYE at pang-pelikula pala ang kuwento ng personal na buhay ng Kapuso actress na si Ashley Ortega, lalo na ang naging relasyon nila ng kanyang ina.
Naging bukas si Ashley sa pagbabahagi ng kanyang saloobin hinggil sa kanyang nanay at ang isa sa mga ipinagdarasal niya ay ang mapatawad sana siya nito sa mga kanilang hindi pagkakaunawaan.
Sa isang episode ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition” kung saan isa siya sa mga housemates, binigyan ng chance si Ashley na “makausap” ang ina sa pamamagitan ng mga inihandang tanong ni Kuya.
Habang nagdi-dinner, ipinakita ang litrato ng mga mahal nila sa buhay at bawat pagkain ay may kaakibat na question si Big Brother.
Ang first question kay Ashley ni Kuya na kunwari’y galing sa kanyang nanay, “Tingin mo ba nagkamali ka nung umalis ka sa bahay?”
Sagot ng dalaga, “Honestly, Ma, I think ‘yung mali sa ginawa ko is I left you guys without saying anything. I thought about it for years even though okay tayo, even though okay ‘yung relationship natin, I would ask myself, (if) I would leave the house, and my answer would always be yes. Hindi na ako nakapagpaalam.”
View this post on Instagram
Next question, “Sa palagay mo ba nami-miss kita?” “What I feel like is, hindi mo pa rin tanggap lahat nung nangyari so I don’t know. I don’t know if you miss me or not and I don’t want to expect that you miss me.
“Sana, from time to time you would think that I’m okay. I’m sure naman ang napulot ko sa inyo ay I can handle things on my own, that I’ve been independent. I do miss you. I miss Lola so much,” lahad ng Kapuso star.
Sa tanong namang “Gaano kalaking sakit ang naidulot ko sa ‘yo?” ay naging emosyonal na si Ashley at tuluyan nang napaluha.
“Sobrang sakit, Ma. To the point na I left because hindi ko na kaya talaga. I know I caused you so much pain when I left because alam ko ring binuhos mo rin ‘yung mundo mo sa akin.
“I appreciate you for that. I just wanted to leave because ayoko ‘yung habang buhay may hatred ako sa Mom ko. Ayokong lumaki nang lumaki ‘yung hatred ko sa ‘yo, Ma.
“That’s why I just chose to leave to distance myself. To give space for myself and for you also. So that you can focus on yourself first,” paliwanag ng celebrity housemate.
Dagdag pa niya, “I am grateful na binigay mo sa akin lahat ng oras mo. You’re the reason why I’m a figure skater. You’re the reason why I’m a good actress. You’ve been there.”
Aniya pa, naipon daw nang naipon ang kinikimkim nila sama ng loob sa isa’t isa dahil sa kawalan ng komunikasyon.
Ang 4th question kay Ashley, “Sa kabila ng lahat ng away at hindi pagkakaintindihan natin, may bagay ba akong nagawa na ipinagpapasalamat mo?”
“I think you know naman na I’m grateful for a lot of things. I’m thankful for you’re just beside me all the time, binabantayan mo ako.
“Thank you rin sa lahat ng mga emotions na pinaramdam mo sa akin, the good and the bad because if it weren’t for that wala akong malalim na hugot sa buhay.”
And the last question of Big Brother, “Sa tingin mo ba may pag-asa pang magkaroon ng pagpapatawad sa pagitan nating dalawa?”
“Of course, Ma. I’m just waiting for you. If you’re not ready. Go, take your time kasi ako okay na ako,” mensahe ng aktres sa ina.
Narito naman ang message niya sa kanyang nanay, “I know it’s your birthday in a few days right now. Happy birthday. I hope all your wishes will come true.
“Whatever happened in the past, I hope we can just forget about it and move on and find peace in our hearts. I always pray that my mom will heal and I hope she will forgive me,” saad pa ng aktres.
Binigyan din siya ng advice ni Kuya, “Huwag kang panghinaan ng loob. Ang malalalim na sugat, magagamot ito ng pagmamahal. Darating ang araw na magkakaayos din kayo.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.