Ryan Cayabyab balik-Pinas matapos ang lindol sa Thailand

Ryan Cayabyab balik-Pinas matapos maranasan ang matinding lindol sa Thailand

Pauline del Rosario - March 30, 2025 - 03:12 PM

Ryan Cayabyab balik-Pinas matapos maranasan ang matinding lindol sa Thailand

PHOTO: Instagram@myranetorsa

LIGTAS nang nakabalik sa Pilipinas si National Artist for Music Ryan Cayabyab mula Bangkok, Thailand.

Magugunitang naantala ang kanyang biyahe dulot ng malakas na lindol na yumanig sa siyudad noong Biyernes, March 28.

Sa kanyang Instagram page, ikinuwento ng musician-composer kung paano nila naranasan ang lindol habang nasa isang establisyemento kasama ang kanyang asawa na si Emmy Punsalan.

“We were exiting a building after lunch and suddenly people were pushing us at sobrang nagtataka kami ni misis… Maya-maya lang ang dami nang tao sa daan!” sey niya.

Baka Bet Mo: DFA: Walang Pinoy ang nasaktan sa lindol sa Myanmar, Thailand

Napamura pa nga siya: “Anak ng pu***. Lindol ba ito!? Ang lakas. [Grabe].”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Myran Etorsa (@myranetorsa)

Kwento niya sa hiwalay na post, hindi sila agad nakapasok sa kanilang kwarto sa hotel dahil na rin sa haba ng pila sa elevator.

“We hurriedly put our stuff inside the maletas. Wala nang ayus-ayus. Ang bilis namin makalabas ng kuwarto. Takbo ulit sa elevator baka mahaba na naman ang hintay. Nakababa rin sa lobby,” pag-alala niya.

Nabanggit din niya na naging problema nilang mag-asawa ‘yung pag-book ng sasakyan papuntang airport dahil wala silang makuha na dulot ng matinding traffic matapos ang lindol.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Myran Etorsa (@myranetorsa)

“We waited 4 hours for our grab transport to bring us to the airport. Wala! Still we decided to just get to the airport and think of what to do next—for sure we will miss our flight,” kwento niya sa sumunod na IG post.

Patuloy niya, “Thinking back, if there was no earthquake we’d be in the airport kanina pa. The MRT stopped operations, all Grab and other transport to the airport were not at work kasi all of them were stuck in traffic.”

Nagkaroon pa nga raw sila ng diskusyon kung magbo-book na lang ng hotel para mag-stay pa ng isang gabi, ngunit tinanggihan ito ng national artist.

“I want to be in the airport. Doon na lang kami maghintay. Besides… ayoko sa 26th floor matulog at baka meron pang earthquake,” sambit niya.

Dagdag niya, “For sure hindi na kami aabot sa flight pero at least there is hope to catch the succeeding flights kahit bukas.”

“Ipinauubaya ko na sa Maykapal kung ano ang susunod na kabanata nitong adventure namin. Pumunta lang naman kami dito para kumain e,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Myran Etorsa (@myranetorsa)

Sa isang sumunod na post, ibinahagi ni Ginoong Ryan na nakauwi na siya sa Quezon City.

“Good morning QC! Lunch beckons. After we survived this yesterday,” lahad niya, kalakip ang isang link ng Facebook video kung saan makikita ang pagyanig at pagbagsak ng ilang gusali sa Bangkok noong lindol.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Myran Etorsa (@myranetorsa)

Niyanig ng magnitude 7.7 na lindol ang Bangkok, na may epicenter sa hilagang-kanlurang bahagi ng siyudad ng Sagaing sa central Myanmar.

Sa ngayon, naitala ang hindi bababa sa 1,644 na nasawi sa Myanmar at halos 10 naman sa Bangkok hanggang nitong Linggo, March 30.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending