'Foreignoy' nagmura sa Eat Bulaga, ano kayang sey ng MTRCB?

‘Foreignoy’ contestant nagmura sa Eat Bulaga, ano kayang sey ng MTRCB?

Ervin Santiago - April 03, 2025 - 08:34 AM

'Foreignoy' contestant nagmura sa Eat Bulaga, ano kayang sey ng MTRCB?

Rahul Singh at Maine Mendoza

SHOOKT ang mga host ng “Eat Bulaga” na sina Maine Mendoza, Miles Ocampo, at Ryan Agoncillo sa nagmurang contestant ng “Foreignoy: The Afam Invasion” segment sa “Eat Bulaga.”

Nangyari ito sa live episode ng noontime show ng TV5 kahapon, April 2, sa Q&A portion ng naturang contest kung saan puro mga foreigner ang naglalaban-laban.

Tinanong kasi ni Maine ang Indianong contestant na si Rahul Singh kung ano-ano ba ang mga Tagalog words na natutunan niya habang nasa Pilipinas makalipas ang walong taong paninirahan sa bansa.

Mabilis na sagot naman ng contestant, “Tinuturo sa akin ang dami, halimbawa, put*ng-in* mo!”

Nagulat ang mga Dabarkads sa sagot ng contestant at agad na nag-sorry sa mga televiewers. Anila, hindi raw alam ni Rahul na mura pala ang kanyang mga nasabi.

Nag-sorry din ang foreigner pero muli niyang nabanggit ang nasabing mura ng mga Pinoy. Hindi raw talaga niya knows na masama pala ang naturang Tagalog words.

Binago na lamang nina Maine, Ryan at Miles ang usapan dahil baka makapagmura uli ang foreigner on national TV.

Sa huli, kahit na nakapagmura nang hindi sinasadya, wagi pa rin si Rahul at ka-tie ang isa pang contestant.

Bago mag-commercial, nagbigay ng paalala sina Maine at Ryan sa mga  kababayang Pilipino na kapag nagturo ng Tagalog words sa mga banyaga ay siguruhing alam din ng mga ito ang ibig sabihin.

Samantala, abangers naman ang mga netizen sa magiging aksyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa nangyaring insidente sa “Eat Bulaga.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending