TVJ kinatigan ng CA sa paggamit ng Eat Bulaga, TAPE talunan uli

TVJ naka-score uli sa TAPE, kinatigan ng CA sa paggamit ng ‘Eat Bulaga’

Ervin Santiago - January 01, 2025 - 08:23 AM

TVJ naka-score uli sa TAPE, kinatigan ng CA sa paggamit ng 'Eat Bulaga'

Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon

BIGO na naman ang TAPE Inc. at GMA Network na makuha ang titulong “Eat Bulaga” mula sa iconic trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.

Ito’y matapos muling katigan ng Court of Appeals (CA) ang TVJ sa patuloy na pag-apela ng TAPE at GMA na mapasakamay nila ang trademark ng “Eat Bulaga.”

Kaugnay pa rin ito ng copyright infringement case at unfair competition laban sa TAPE at GMA 7 dahil sa pag-ere ng kanilang noontime show gamit ang titulong “Eat Bulaga”.

Sa mga hindi pa masyadong aware, ang TAPE ay production company nina Romeo Jalosjos, Sr. at Tony Tuviera. Umabot ng  44 years ang original “Eat Bulaga” na umere sa GMA sa pamamagitan ng pagbili ng blocktime.

Baka Bet Mo: Joey de Leon muling nagpatutsada sa TAPE at Eat Bulaga ng GMA, pero inokray ng bashers: ‘Ang corny naman po…itigil n’yo na kakahirit n’yo!

Lumayas ang TVJ sa “Eat Bulaga” ng TAPE noong June, 2023. Last January 5, 2024 nagdesisyon ang Branch 273 ng Marikina Regional Trial Court na ang TVJ ang may karapatang gumamit sa “Eat Bulaga” trademark.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Eat Bulaga (@eatbulaga1979)


At nito ngang December 13, 2024 nagdesisyon ang 9th division of Court of Appeals na ibasura ang magkahiwalay na petisyon ng TAPE at GMA kung saan hiniling nilang baliktarin ang desisyon ng Marikina RTC.

Kinuwestiyon kasi ng TAPE at GMA ang desisyon ng RTC na kanselahin ang pagpaparehistro nila ng trademark ng “Eat Bulaga” at pagpapahinto sa kanila sa paggamit nito.

Base sa report ng abogado.com, ang desisyon ay pirmado ni Associate Justice Zenaida Galapate-Laguilles at sinabing ang desisyon ng Marikina RTC ay walang kinalaman sa pagpapabor ng korte sa TVJ.

Sinunod lang daa ng Marikina RTC ang state policy pabor sa exclusive rights ng isang indibiduwal sa intellectual property nito. Narito ang bahagi ng desisyon ng CA.

“Here, Tito, Vic, and Joey cannot be faulted for their unceasing affiliation with the Eat Bulaga brand.

“For they have undoubtedly acquired and established goodwill and favorable reputation as the longtime hosts of the Eat Bulaga entertainment and variety program, not just by Joey coining the name of the show at its very inception, but by the trio bringing joy and laughter to their wide viewership for non more than forty-four years, so much so that TVJ have become synonymous with Eat Bulaga in the eyes and subconsciousness of the general viewing public.”

Bukod dito, may ilang paglabag din daw ang TAPE at GMA kabilang na ang paggamit sa “Eat Bulaga” trademark para sa jingle, logo, at recorded episodes ng umereng noongtime show ng TAPE na walang pahintulot ng TVJ.

Nauna rito, ibinandera ng TVJ ang kanilang pagkakapanalo sa reklamong inihain nila sa TAPE at GMA.

Sabi ni Vic sa live episode ng “Eat Bulaga” na umeere ngayon sa TV5, “Sa lahat ng kaibigan namin, mga nanonood sa Facebook Live, marahil nagtataka kayo kung anong ginagawa namin dito, hindi po kami kakanta, wala po kaming ibebenta, meron lang po kaming sanang gustong ibahagi sa lahat ng ating mga kaibigan, sa lahat ng Dabarkads.

“Kami po ay nasa TV5 Media Center, galing kami sa kasalukayan po, nagmi-meeting kami tungkol sa anong plano for the New Year, for 2024, para mas mapaganda ang ating programang Eat Bulaga!.

“Ngayon, at exactly 4:23 ng hapon, kanina-kanina lang, mainit-init pa, e, nakatanggap si Tito Sen ng email at ito ay may kinalaman sa decision ng korte tungkol sa Eat Bulaga!” ani Bossing.

Sinundan ito ng pagbasa ni Tito Sen sa dispositive portion ng desisyon ng Marikina RTC, “Wherefore, justice is hereby rendered in favor of the plaintiffs against the defendants.

“Ang plaintiffs po ay Tito, Vic, Joey, kasama si Jeny at Direk Poochie.

“Permanently enjoining the defendants, Television and Production Exponents (TAPE) Inc. and GMA Network, Inc. from:

“1. Using the trademarks EB, Eat Bulaga, Eat Bulaga, and EB, including all the logos associated with the subject parts in its shows, programs, projects or promotions and…

“2. Using the Eat Bulaga jingle/song or any part thereof in its shows, programs, projects or promotions and…

“3. Airing and broadcasting a playback of any and all recorded episodes of the Eat Bulaga show prior to 31st May 2023, its segments or any portion thereof in all channels and platforms.

“Moreover, defendants… marami pang binabanggit at lahat in favor sa atin.

“The Intelectual Property Office of the Philippines through its proper unit/head officer is hereby directed to cause the cancellation of the following trademark registrations in the names of Television Production Exponents Incorporated from its records, database and or registry to it.

“Yun po yung pinakalaman ng dispositive portion,” sabi ng dating senador.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hirit uli ni Vic, “Sa madaling-salita, e, nanalo po tayo. Sa madaling salita, atin talaga ang Eat Bulaga.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending