Vic: Ito na po ang susunod na presidente ng Pilipinas, Mayor Vico Sotto

Mayor Vico Sotto
UMANI ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizens ang ginawang pagpapakilala ni Vic Sotto sa kanyang anak na si Pasig City Mayor Vico Sotto.
Talagang kine-claim at nag-manifest na ang original “Eat Bulaga” Dabarkads na si Bossing Vic Sotto na magiging pangulo ng Pilipinas ang kanyang anak na muling tumatakbong alkalde ng Pasig.
Nakilahok ang iconic TV host-actor sa naganap na campaign rally ng “Giting ng Pasig” ngayong Biyernes, March 28, kung saan nagbigay siya ng mensahe para sa mga Pasigueño.
Dito ipinagmalaki at ibinandera niya ang mga nagawa ni Vico sa ilang taong panunungkulan niya sa Pasig. Aniya, napakaswerte ng mga Pasigueño sa pagkakaroon ng mayor na tulad ng anak nila no Coney Reyes.
Baka Bet Mo: Bossing member din ng fans club ni Vico: Pwede kang magpatakbo ng gobyerno na hindi nangungurakot
“Mabuhay kayo, mga Pasigueño. I’m very proud of you. Ito na po, ipapakilala ko na po. Alam n’yo naman siguro kung kanino nagmana. Kanino pa? E ‘di sa nanay (Connie),” ang pahayag ni Bossing.
“Ito na po, ang susunod na presidente ng Pilipinas, Mayor Vico Sotto,” ang pasigaw na sabi ni Vic na sinundan ng malakas na palakpakan at sigawan.
In fairness, marami ang umaasa at naghahangad na tumakbo sa pinakamataas ng posisyon ng bansa si Mayor Vico, kabilang na riyan ang talent manager at host na si Ogie Diaz.
Sa ngayon, hindi pa qualified si Mayor Vico na tumakbong pangulo dahil 35 years old pa lamang siya. Base sa Konstitusyon, 40-anyos pataas ang age requirement para sa mga kakandidatong presidente ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.