Bossing member din ng fans club ni Vico: Pwede kang magpatakbo ng gobyerno na hindi nangungurakot | Bandera

Bossing member din ng fans club ni Vico: Pwede kang magpatakbo ng gobyerno na hindi nangungurakot

Ervin Santiago - October 20, 2021 - 09:21 AM

Vic Sotto, Maine Mendoza at Vico Sotto

KUNG may isang celebrity na talagang proud na proud kay Pasig City Mayor Vico Sotto, yan ay walang iba kundi ang kanyang amang si Bossing Vic Sotto.

Talaga naman kasing nagmarka sa buong Pilipinas ang pagiging leader ni Vico sa Pasig simula nang mahalal siya sa pwesto kaya naman puring-puri siya ng publiko lalo na ng kanyang mga nasasakupan.

Ayon kay Bossing, napakasarap daw sa pakiramdam na magkaroon ng mga anak na hindi lang mababait at mapagmahal sa mga magulang kundi pati na rin sa kanilang kapwa.

“E, kahit naman ako, naging member ng fans club niya. Hindi naman biro ’yung pinagdaanan niya, ‘yung tinahak niyang landas.

“He’s setting a very good example of what good governance is all about, na pwede kang magpatakbo ng gobyerno na hindi nangungurakot,” ang pahayag ni Bossing nang tanungin sa ginanap na virtual mediacon para sa 3rd anniversary ng comedy show niya sa GMA na “Daddy’s Gurl” tungkol kay Mayor Vico.

Patuloy pa ng TV host-comedian, “Hindi kailangang maging corrupt. Mas masarap, mas maraming nakikinabang ngayon sa Pasig. Mas madali ang buhay.

“’Yung pagkuha lang ng permit, dati, kailangan susuot ka sa ilalim ng mesa, para may ‘under the table.’ Ngayon hindi na, online lang makakakuha ka ng permit.

“He’s very promising and he’s setting a very, very good example at sana tularan, lalo na ng ating mga kabataan na gustong maging lider ng ating bayan in the future.

“Proud (ako). At alam ko naman na he will be doing…well, when he started to work in public service, noong una siyang magpaalam sa akin na tatakbo siyang konsehal (ng Pasig City), konsehal pa lang, alam ko na nasa puso niya na magsilbi sa tao.

“Yung totoo ha, hindi dahil ‘I want to be in power.’ ‘I want to be a konsehal,’ ’yung ganoon. Lalo na noong nagsabi siya sa akin na he wants to run for Mayor,” diin pa ni Bossing.

Dagdag pa ng “Eat Bulaga” host, napatunayan din ng anak na kayang magkaroon ng isang gobyerno na inuuna ang kapakanan ng mamamayan.

“Pwede nating ayusin ‘to. Basta meron ka lang political will, kaya nating ayusin ang gobyerno. Kaya mabuhay, mabuhay tayong mga Filipino. Para akong tatakbo,” ang natatawa pang hirit ni Bossing Vic.

Hindi lang naman daw kay Vico proud si Vic, kundi pati na rin kina Danica at Oyo (mga anak niya kay Dina Bonnevie) at kay Paulina (anak niya kay Angela Luz).

https://bandera.inquirer.net/291061/ano-kaya-ang-trabaho-ni-vico-ngayon-kung-hindi-siya-nanalong-mayor-ng-pasig

Samantala, ngayong darating na Sabado na, Oct. 23, mapapanood ang anniversary episode ng “Daddy’s Gurl” nina Bossing, Maine Mendoza, Oyo Sotto at Wally Bayola. Ito’y sa direksyon pa rin ni Chris Martinez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ipakikilala na rin dito ang apat na bagong katropa ng mga bida na sina Jem Manicad, Prince Clemente, Carlos San Juan at Prince Carlos.

https://bandera.inquirer.net/283091/bossing-emosyonal-sa-67th-quarantine-b-day-ang-wish-ko-good-health-para-sa-lahat-ng-tao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending