Darryl: Ang The Rapists of Pepsi Paloma ay 'di para sa eleksyon

Darryl Yap: Ang The Rapists of Pepsi Paloma ay hindi para sa eleksyon

Reggee Bonoan - January 03, 2025 - 03:42 PM

Darryl Yap: Ang The Rapists of Pepsi Paloma ay hindi para sa eleksyon

Pepsi Paloma at Darryl Yap

KALIWA’T kanan ang bashers ni Direk Darryl Yap dahil sa pelikula niyang “The Rapists of Pepsi Paloma“, binuhay daw kasi nito ang isyung matagal nang nakabaon.

Sa kanyang Facebook account kagabi ay nabanggit ng direktor na hindi siya binigyan ng pera ng mga Jalosjos at Discaya o sinumang mga taong galit sa mga Sotto, partikular na kay Mayor Vico.

Sa teaser kasi ng “The Rapists of Pepsi Paloma” na inilabas ni Direk Darryl ay nabanggit ang pangalan ng TV host at comedian na si Vic Sotto.

Malalaking personalidad ang sangkot sa isyu lalo na’t malapit na ang eleksyon kaya hindi maiiwasang mapaisip ang netizens na itinaon ito ng direktor kaya nga nabanggit ang Jalosjos versus Sotto na parehong nasa politika sina Bullet at Vico.

Baka Bet Mo: Darryl Yap binantaan ng kulam, demanda sa ‘Rapists of Pepsi Paloma’

At higit pa diyan, si Ms. Lala Sotto-Antonio ang chairman ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na anak ni ex-Sen  Tito Sotto at pamangkin ni Vic.

Kaya sa tingin ninyo lulusot ito sa MTRCB kung sakaling “foul” ang kuwento ng pelikulang “The Rapists of Pepsi Paloma”?

O, kung hindi ito papayagang ipalabas sa sinehan ni Chair Lala ay tiyak siya ang babalikan ng bashers dahil may kinikilingan siya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kung kilala ng lahat si Direk Darryl Yap ay hindi nito papasukin ang labang hindi niya kayang ipanalo tulad ng paggawa ng biopic ng yumaong sexy star na si Pepsi Paloma, for sure may twist ang kuwento kaya paulit-ulit niyang sinasabi, “panoorin muna ang pelikula.”

Kaya sa bashers ni Direk Darryl, abangan na lang natin kung kailan ang showing ng pelikula ni Rhed Bustamante bilang si Pepsi Paloma.

Anyway, narito ang litanya ng direktor sa kanyang Facebook account.

“Kung may troll farm lang ako, may back-up na TV network siguro mas maaabot ng pelikula ko ang mga tao.

“Bagamat may 2 akong box-office hit na hindi matanggap ng mga haters—hindi ako mahihiyang sabihing malayo naman talaga ang marketing ng mga pelikula ko kung ikukumpara sa ibang productions, lalo na sa Star Cinema sa totoo lang.

“Yang marketing nila ang mahusay talaga samantalang ako ang meron lang ay Kwento.

“Ang #TROPP o THE RAPISTS OF #PEPSIPALOMA ay hindi po under VIVA Films, Hindi rin po ako nabigyan ng pera ng mga Jalosjos o Discaya o ng mga Aliens o kung anong elementong may galit sa mga Sotto.

“Gusto ko s’yempre ng pera pero wala. Makakasira rin sa ipinaglalaban kung may halong pulitika, kahit babad ako roon—itong #TROPP2025 ay hindi para sa eleksyon.

“Sa grand presscon, masasagot lahat ng tanong at agam-agam bagamat nagpapasalamat ako sa mga opinyon, bash at suporta…

“Sa ngayon, hayaan nyo muna naming matapos ang pelikula, para maipalabas sa February 2025.

“Matalino naman ang mga tao alam nila ang hilatsa ng Troll sa totoong tao at ang totoong tao ang may totoong suporta.

“Salamat sa pangungumusta, pagpapaalala at pagpapakita ng suporta salamat din sa mga gusto akong kulamin, kung anu-anong sinasabi, nagmamagaling atbp.

“Ituloy nyo lang yan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Happy New Year.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending