Darryl Yap binantaan ng kulam, demanda sa ‘Rapists of Pepsi Paloma’
SUPER react ang mga netizens sa announcement ng direktor na si Darryl Yap na gagawin niyang pelikula ang buhay ng yumaong sexy star na si Pepsi Paloma.
Iba’t iba ang nabasa naming comments sa official Facebook page ng BANDERA hinggil sa pagsasapelikula ng kontrobersyal na buhay at pagkamatay ni Pepsi Paloma o Delia Dueñas Smith sa tunay na buhay.
Sumikat noong dekada 80 si Pepsi at talaga namang naging kontrobersiyal at pinag-usapan ng lahat ang kanyang pagkamatay.
Ayon sa FB status ni Direk Darryl, “Ang aking kababayan na si Pepsi Paloma, Olongapeña, Artista, Biktima.
“Sa darating na 2025, bago sumapit ang ika-40 anibersayo ng kanyang kontrobersyal na pagpapatiwakal—Kilalanin natin ang Anino, ang Multo, ang Alingasgas ng kanyang Pagkatao.
Baka Bet Mo: ‘Softdrink Beauty’ Coca Nicolas may rebelasyon tungkol kay Pepsi Paloma
“Ang Aking ika-17 Pelikula: THE RAPISTS OF PEPSI PALOMA,” ang buong sa post ng direktor sa FB kalakip ang black and white picture ng namayapang sexy star at ang kanyang lapida.
Ilang taon ding pinag-usapan ang pagkamatay ni Pepsi noon dahil sa umano’y pagkitil nito sa sariling buhay matapos daw gahasain 39 years na ngayon ang nakararaan.
Sumakabilang-buhay si Pepsi noong May 31, 1985 sa edad na 18. Natagpuan ang kanyang bangkay sa loob ng kanyang bahay sa Quezon City.
Balitang inatake ng depresyon ang aktres dahil sa umano’y panggagahasa sa kanya.
Narito ang ilang comments ng ating mga ka-BANDERA about this issue.
“Nakahanda na ang Libel case na isasampa laban sa director at writer nito.”
“Starring Andrea Brillantes feel na feel yan.”
“Si Diwata Ang gaganap sa bida…tutal bida bida Naman sya eh.”
“Bakit ba kasi gagawin pang movie yan kung halata nman na nakasentro ang kwento nyan sa isyu ng TVJ, pero sana sure na yan, para maihanda na ang haharaping problema ni daryl yap sa TVJ.”
“Pag nagawa mo to astig kana talaga matapang kana goodluck.”
“Puro flop na kase movie neto eh. kaya pa controversial nnmn.Sana magawan mo din si Quiboloy.”
“Mas maganda gawan mo nang pelikula si pastor Quibuloy, kung paano pinalakas nang mga Duterte at nang ibang politiko yan.”
“DI YAN MATUTULOY KASI MAY MTRCB. ALALAHANIN mo Direk! HAHAHA.”
“Patahimikin muna ung kaluluwa nian. dahil until now hindi parin yta nabigyan ng hustisya yn. huwag mo ng gambalain.”
“Di na naawa sa patay. even in death there is no peace sa mga ganto tao na hilig makinig sa kuwentong barbero….if may evedence xa dahil nya sa korte di puro haka-haka at chismis. let the dead people have a peace.”
Samantala, sinagot naman ni Direk Darryl ang mga nagbabanta at nangnenega agad sa kanyang next project.
“Kalma tayo. “Isusulat ko pa lang. wala naman akong balak manira o mag-imbento. “Ang bawat pagkukwento ay pagkakataon, hindi lang sa iisang panig. walang dapat ikabahala ang walang kasalanan; tyansa nga ito para maliwanagan lahat. “Wag na kayo magbanta ng pananakit, kulam, demanda, kuyog atbp. huwag kayong manakot, hindi ako natatakot sa pananakot ng mga kinakabahan. “Wag din kayo magbintang ng sabotahe o dahil sa eleksyon—wala sa pag-iisip ko yan. “Abang lang tayo, magreact kapag nandyan na. Wag kayong gumawa ng sarili nyong multo. #TROPP2025,” ang pahayag pa ni Direk Darryl Yap.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.