Darryl Yap sa cyberlibel ni Vic: Bawal na po akong mag-comment

Darryl Yap sa isinampang cyberlibel ni Vic: Bawal na po akong mag-comment

Reggee Bonoan - March 19, 2025 - 05:42 PM

Darryl Yap sa cyberlibel case ni Vic: Bawal na po akong mag-comment

Vic Sotto, Pepsi Paloma at Darryl Yap

“SAAN na dadamputin ngayon si Direk Darryl Yap? Sumampa na sa korte ang cyber libel case sa kanya ni Vic Sotto?” tanong ng aming kaibigan tungkol sa kontrobersyal na direktor.

Base sa latest report ay sumampa na sa Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) ang dalawang cyber libel case na inihain sa kanya ni Vic Sotto na dating 19 counts.

Nag-ugat ang pagdedemanda ni Bossing sa direktor dahil sa inilabas nitong teaser sa kanyang Facebook account noong Enero 2, 2025 para sa pelikulang “The Rapists of Pepsi Paloma”.

Sa naturang teaser, buong ningning na ipinagsigawan ng aktres na si Rhed Bustamante na gumaganap bilang Pepsi Paloma ang pangalan ng TV host at aktor nang tanungin ni Gina Alajar bilang si Charito Solis, na ni-rape siya nito.

Tinanggal na ni Direk Darryl ang teaser sa socmed base sa kautusan ng korte kaya’t nakapuntos na rito si Bossing Vic at ikalawa na nga itong two counts of cyber libel.

Ang tanong ng aming kaibigan, “Ano na ang mangyayari sa pelikula ni Direk Darryl? Hindi pinayagang ipalabas sa sinehan, wala ring balita kung ipalalabas ito sa online. Paano siya babawi sa nagastos niya?”

Dagdag pa ng kausap namin, “Paano niya babayaran ‘yung pinangprodyus niya ng pelikula, e, hiniram lang pala niya ‘yun?”

Nagulat kami dahil sa pagkakaalam namin ay may nag-produce sa pelikula ng direktor na kanya-kanyang hulaan pa nga kung sino pero base sa pagtatanong namin ay walang kinalaman ang mga Jalosjos at Discaya na nauna rin namang pabulaanan ito ni Direk Darryl.

Samantala, hiningan namin ng reaksyon ang direktor tungkol sa pagsampa ng kasong cyber libel.

Aniya, “Pinagbawalan na po akong mag-comment, all I can echo is the resolution na out of 19 counts, 2 counts ang sumampa. Bail is at 10k. (P10,000).”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya pala walang post si Direk Darryl sa FB page niya simula nang lumabas ang balitang nasa korte na ang kaso.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending