Vic Sotto hindi basta-basta nag-eendorso ng produkto, serbisyo

Vic Sotto, Pauleen Luna, Jay Sabale, Petite at Negi
WALANG isyu sa veteran TV host-actor na si Bossing Vic Sotto ang pag-eendorso ng mga celebrity ng entertainment online games.
Ayon sa beteranong komedyante na karapatan ng bawat artista ang tumanggap ng mga endorsement na kanilang pinaniniwalaan at sinusuportahan.
Ang “Eat Bulaga” host ang isa sa mga celebrity ambassador ng Playtime at kilala naman siya na bago tumanggap ng endorsement ay talagang sinusuri muna kung maganda ang layunin nito para sa lahat at kung ano ang naitutulong nito sa masa.
Hindi siya basta-basta nag-eendorso ng mga produkto o serbisyo na hindi niya ginagamit at pinaniniwalaan.
Baka Bet Mo: Kylie Padilla kinakarir ang paglalaro ng billiards; makikipag-collab kina Rayver at Ruru
Pabonggahan naman kasi talaga ang pagkuha ngayon ng endorsers ang mga online games tulad ng Playtime na 2024 lang ini-launch pero may 1 million followers na agad.
Ayon kay Katherine Maramba, PR manager ng nasabing entertainment online game, “Ang aming sariling brand ambassador, si Bossing Vic Sotto. As he always say in his videos, ang importante, enjoy lang kayo sa paglalaro nang responsable.
View this post on Instagram
“Ang kanyang mensahe ay palaging nagpapaalala sa atin ng kahalagahan ng pagsali sa mga aktibidad sa paglalaro sa ligtas at kontroladong paraan. Kami ay palaging naniniwala sa integridad ng paglalaro.
“Tinitiyak namin na ang mga laro ay patas at transparent at ang mga manlalaro ay may sapat na kaalaman tungkol sa mga patakaran at mga payout. Ipinagmamalaki namin na sumusunod kami sa mga lokal at pambansang regulasyon tungkol sa mga responsableng kasanayan sa paglalaro,” aniya pa.
“Sa aming nakakaengganyong content, mga live stream at pakikipag-ugnayan sa komunidad, nagagawa naming bumuo ng katapatan sa brand sa loob ng wala pang dalawang taon gamit ang mga mini-program at OEM, nakakagawa kami ng mahalagang content gaya ng mga vlog, artikulo, infographic at maiikling feature na nauugnay sa paglalaro, na kumukuha at umaakit sa mga potensyal na manlalaro.
“At siyempre ang aming pakikipagtulungan sa mga mamamahayag ng paglalaro at mga media outlet ay palaging pinahusay ang aming visibility. Salamat, guys! At salamat din sa aming mga kasosyo,” mensahe pa niya.
May programa rin sila para makatulong sa mga nangangailangan na tinawag nilang PlayTime CARES (Community, Action, Relief, Empowerment, Sustainability).
At dahil umabot na sila ng 1 million followers ay may Epic Car Giveaway sila na brand new car at habang pataas nang pataas ang bilang ng tagasubaybay ay parami nang parami naman ang kotseng ipamimigay na aabot sa 100 cars.
Ayon naman kay Ginoong Jay Sabale, Senior PR manager, “We are truly blessed and we want to share those blessings with our followers.”
Sa ginanap na launching ng epic car give away ay dumalo ang mga kilalang personalidad tulad ng mga stand-up comedian na sina Petite at Negie, ilang Sparkle artists kabilang na ang komedyanteng si Betong Sumaya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.