Kylie Padilla kinakarir ang paglalaro ng billiards; makikipag-collab kina Rayver at Ruru | Bandera

Kylie Padilla kinakarir ang paglalaro ng billiards; makikipag-collab kina Rayver at Ruru

Ervin Santiago |January 20,2022
facebook
share this

Kylie Padilla kinakarir ang paglalaro ng billiards; makikipag-collab kina Rayver at Ruru

Ervin Santiago - January 20, 2022 - 04:18 PM

Kylie Padilla

KINAKARIR ngayon ng Kapuso actress na si Kylie Padilla ang paglalaro ng billiards.

Nope! Hindi siya sasali sa anumang klase ng tournament kundi ito’y bilang preparasyon para sa susunod niyang proyekto sa GMA 7.

Gaganap si Kylie sa bago niyang teleserye bilang isang billiard genius kaya sa pagpasok pa lang ng 2022 ay nagsimula na siyang mag-practice sa paglalaro ng nasabing sports.

“I’ll really be honest. Never pa akong nag-billiards. Hindi ko siya ma-grasp!” ang natawang pag-amin ng anak ni Robin Padilla sa panayam ng “24 Oras.”

View this post on Instagram

A post shared by Kylie Padilla💙 (@kylieepadilla)


Aniya pa, “But when I did lessons yesterday, nagkaroon ako ng confidence na kaya ko pala with the right teachers.”

At in fairness, bongga ang mga coach at trainer ni Kylie — ang billiard masters lang naman na sina Johann Chua at Geona Gregorio.

Puring-puri nina Johann at Geona ang Kapuso actress at celebrity mom dahil napakadali raw nitong matuto at talagang nakitaan daw nila ito ng potensyal sa paglalaro ng billiards.

Excited na rin si Kylie na makatrabaho uli ang Kapuso TV host-actor na si Rayver Cruz, ang napiling leading man niya sa kanyang next project sa GMA.

Ito na raw ang ikalawang pagsasama nila together sa isang proyekto, una silang nagkatambal noong 2015 sa isang pelikula.

“Nakaka-excite kasi okay kasama si Rayver eh, masayang tao rin naman siya, eh. Eh, ‘di ba kapag ganyan, matagal-tagal mong makakasama ‘yung tao so kailangan jive kayo,” sey ni Kylie.

Samantala, naikuwento rin ng estranged wife ni Aljur Abrenica ang tungkol sa collaboration nila ng Kapuso hunk na si Ruru Madrid na makakatambal din niya sa isang episode ng “Regal Studio Presents.”

Habang nasa taping daw ay gumawa na rin sila ng isang “matapang” na vlog.

“Nae-excite ako para sa vlog na ‘yon kasi we went deeper than just nagpapakilig kami. Napag-usapan talaga namin lahat, nakakatuwa,” chika ni Kylie.

Sabi pa ni Kylie, talagang “no holds barred” ang naging chikahan nila ni Ruru sa ginawa nilang vlog para sa YouTube channel ni Ruru.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Oo, ganu’n siya. Hindi ko alam kung ‘yun ang ilalabas niya sa pag-edit nila doon,” sabi pa ni Kylie.

Ruru jackpot sa career at lovelife, puring-puri ni Rhea Tan: Napakasarap niyang katrabaho!

Dingdong kinakarir ang ‘balik-alindog’ program; best investment ang biniling bike trainer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending