Jake Vargas, Inah de Belen 5 years nang live-in, may balak pakasal, pero…
SA 10 taong relasyon nina Jake Vargas at Inah de Belen bilang live-in partners, mas naging solid pa raw ang kanilang pagsasama.
Ayon kay Jake, magaganap daw ang pinakahihintay na kasal nila ng kanyang longtime girlfriend sa tamang panahon.
Inamin ng Kapuso actor sa guesting niya kahapon, June 2, sa “Fast Talk with Boy Abunda,” na may plano naman daw siya na pakasalan si Inah kahit pa mag-iisang dekada na silang nagsasama.
“Yes po, napag-uusapan, actually si Inah po ang laging nagtatanong,” sabi ni Jake na palagi niyang sinasagot ng, “Mangyayari.”
“Paghahandaan kasi, hindi naman dapat minamadali ‘yon. So, kung talagang ready na kami, ‘yun na po talaga ‘yon,” aniya pa.
View this post on Instagram
Patuloy pa ng “Pepito Manaloto” star, “Sa ten years po naming magkasama, siguro po ang masasabi ko, hindi po talaga nawawala ‘yung love.
“Kahit sobrang tagal na naming magkasama, hindi po nawawala ang respeto ko sa family nila,” aniya pa.
Inilarawan pa niya si Inah bilang kanyang “pahinga”, “Kasi kung wala siya parang kulang or ‘di ako complete.”
Kinumpirma rin ni Jake na limang taon na rin silang nagli-live in ng anak nina Janice de Belen at John Estrada and so far, okay naman daw ang kanilang current set-up.
“Parang nangyari na lang po, e. Kumbaga, sa tagal naming magkasama ni Inah, parang inabisuhan din naman siya ng mama niya na, ‘Kaya ninyo na bang mag-live in?’” sey pa ng aktor.
Kung matatandaan, nagbigay ng kanyang saloobin si Janice tungkol sa live-in arrangement ng anak at ni Jake.
“I wasn’t against the relationship kasi hindi naman ako ang makakasama nila. Anong karapatan kong maging against?” ani Janice.
“My point at that time was let’s do it right, then okay naman sila,” dagdag niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
