Karen Davila sa pagbo-boycott ng mga senador: Pambabastos sa mga Pilipino!
MULING naglabas ng saloobin ang Kapamilya broadcast journalist na si Karen Davila hinggil sa patuloy na pag-absent ng majority bloc sa Senate plenary session.
Sa kanyang X (dating Twitter) page binatikos niya ang patuloy na pag-boycott ng majority bloc na nagresulta ng kawalan ng quorum at muling pagkakaantala ng mga nakabinbin na gawain ng mga senador.
“Absolute disrespect for the Filipino people. What entitlement,” saad ni Karen.
Pagpapatuloy niya, “Mag-boycott tayo. Huwag mag trabaho. Hayaan natin ang mga nakabinbing panukala.”
Baka Bet Mo: Karen Davila sa ‘crying’ senators: Iyakan n’yo ang ninanakawang Pilipino
View this post on Instagram
Kasunod nito ay ang pagpapaalala ni Karen sa mga ito kung sino ang nagpapasahod sa kanila at ang responsibilidad nilang dapat gawin para sa taumbayan.
“Mga senador, binabayaran kayo ng taumbayan. Pambabastos ito sa Pilipino,” diin ng mamamahayag.
Matatandaang ito na ang ikalawang beses na nag-react si Karen sa mga ganap sa Senado matapos ang pagkakaaresto ng isa sa mga miyembro ng majority bloc na si Jinggoy Estrada dahil sa kasong graft at plunder matapos maugnay sa maanomalyang flood control projects.
Na-hulicam kasi ang ilang mga senador na umiiyak at emosyonal habang hinuhuli ang kasamahan.
Sinita naman ito ni Karen at tahasang sinabing mas dapat iyakan nila ang taumbayan na naaapektuhan sa maamomalyang flood control projects control projects.
“Iyakan n’yo ang binabaha dahil sa nakawan sa flood control. Iyakan n’yo ang gutom nating mga kababayan,” sabi pa ng Kapamilya broadcaster.
Pakiusap pa ni Karen sa mga senador, “Get out of your bubble. Please.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
