Harry Roque binanatan ng TV host, tinawag na ipokrito!

Harry Roque binanatan ng TV host sa isyu ng inarestong OFWs sa Qatar: Ipokrito!

Ervin Santiago - April 02, 2025 - 08:54 AM
Harry Roque binanatan ng TV host sa isyu ng inarestong OFWs sa Qatar: Ipokrito!

BINARAG ng political analyst at TV host na si Richard Heydarian si dating presidential spokesperson Harry Roque na tinawag niyang “ipokrito.”

Hindi nagustuhan ni Heydarian ang naging apela ni Roque sa gobyerno ng Qatar sa pag-aresto sa ilang Overseas Filipino Workers (OFW) dahil daw sa ilegal na political demonstrations kasabay ng 80th birthday celebration ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang social media account, ipinost ng political analyst ang isang video clip kung saan mapapanood ang panayam ng press kay Roque.

“We’re appealing to the Qatari authorities, the state of Qatar has always been a very good friend of President Rodrigo Roa Duterte, we are appealing to you to understand the sentiments of our countrymen.

“They love the [ex] president and they cannot accept the fact that he is now here at The Hague, held as prisoner by westerners,” ang pahayag ni Roque.

“So we have a common history of being colonized by the west and I hope you do understand why the Filipinos love President Duterte,” aniya pa.


Ang caption na inilagay ni Heydarian sa kanyang post, “HARRY THE HYPOCRITE strikes again!!!”

“‘Colonizers’ daw The Hague sabay apply asylum agad there!” dugtong pa niya.

Sa comments section, mababasa ang reaksyon ng netizen na nagngangalang “Kristina Wood” sa post ni Heydarian.

“Richard Heydarian labo ng logic. Kelangan nya ata mag MCT oil food for the brain,” ang komento ni Wood.

Sinagot ito ng TV host, “Kristina Wood balimbing syndrome ang problem nito.”

Nasa The Netherlands pa rin si Roque hanggang ngayon habang hinihintay ang resulta ng kanyang asylum application doon matapos magtago nang matagal na panahon sa Pilipinas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Recently lang ay idineklarang “persona non grata” sa ilang lugar si Heydarian pagkatapos ilarawan ang Mindanao bilang “sub-Saharan Africa” hinggil sa human development index (HDI).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending