Claudine iyak nang iyak nang hindi payagang um-attend sa kasal ni Claudia
HINDI rin pala invited si Claudine Barretto sa kasal ng kanyang pamangkin na si Claudia Barretto at ng long-time boyfriend nitong si Basti Lorenzo.
Ito ang rebelasyon ng tatay ni Claudia na si Dennis Padilla matapos maglabas ng sama ng loob sa umano’y pambabalewala sa kanya sa naganap na wedding ng anak.
Feeling ni Dennis, naging parang isa lamang siya sa mga “guest” sa kasal ng sariling anak at pinagkaitan ng pagkakataon na maihatid sa altar ang kanyang anak.
Base sa interview kay Dennis ng host-content creator na si Ogie Diaz na napapanood sa “Ogie Diaz Inspires” YouTube channel, nabanggit ni Dennis na maging ang tita ni Claudia na si Claudine ay hindi naimbitahan sa wedding.
Baka Bet Mo: Claudine sa kaso ni Jojo Mendrez laban kay Mark: Wag pumayag na maabuso ka
View this post on Instagram
Ayon sa komedyante, nakiusap pa raw si Claudine sa ate niyang si Marjorie Barretto, nanay ni Claudia, na baka puwede siyang magpunta sa kasal para lang magbigay ang regalo niya sa pamangkin at sa groom nito.
Pero binlock umano si Claudine sa Viber kung saan sila nag-uusap ni Marjorie. Dahil dito, super cry daw talaga si Claudine.
“Tumawag (si Claudine) kagabi sa akin. She (nag-send) Viber messages to Marjorie, ‘kung pwede naman siyang um-attend, magbibigay lang ng gift kay Claudia.
“Pangatlong message binura tapos binlock pa siya. So hindi na pumasok messages niya kaya iyak siya nang iyak,” ani Dennis.
“Sabi ko, ‘Kahit hindi ka invited, pumunta ka. Tatabihan kita.’ Alam mo naman kung gaano ka-spoiled si Claudia kay Claudine, parang anak na niya ’yun,” pahayag pa ng komedyante.
Sa tanong ni Mama Ogs kung okay ba sina Claudine at Marjorie, “Pagkaunawa ko, hindi. Nakikiusap nga siyang ma-invite, e. Kaya nga sinabi ko sa kanya na kahit hindi ka invited pumunta ka, tatabihan kita.
“Kasi kung dumating naman siya alangang itaboy mo? E, si Claudine Barretto ‘yun. Tsaka tiyahin yun, kamag-anak ‘yun, kadugo ‘yun,” sagot ni Dennis.
Pati raw ang nakatatandang kapatid nina Marjorie at Claudine na si Gretchen Barretto ay hindi rin daw imbitado.
Pero sabi ni Dennis, naniniwala siyang hindi si Claudia ang nagdesisyon na hindi siya ang maghahatid sa anak patungong altar.
Ayon sa komedyante, nakita raw niya sa mga mata ng anak na hinahanap siya nito at nais nitong siya ang maghatid sa kaniya sa altar.
Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang paliwanag o reaksiyon ang kampo nina Marjorie at Claudia patungkol sa kontrobersiyan. Bukas ang BANDERA sa kanilang opisyal na pahayag.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.