Roque inakusahang nasa likod ng fake 'polvoron video' ni PBBM

Roque inakusahan ng vlogger na nasa likod ng fake ‘polvoron video’ ni PBBM

Ervin Santiago - April 09, 2025 - 12:01 AM

Roque inakusahan ng vlogger na nasa likod ng fake 'polvoron video' ni PBBM

Pangulong Bongbong Marcos at Harry Roque

DIRETSAHANG inakusahan ng isang vlogger si dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque na isa sa nasa likod ng umano’y edited “polvoron video” ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr..

Pinalabas sa naturang video na gumagamit ng “cocaine” ang presidente na tinawag ngang “polvoron” dahil sa halos magkapareho nga ang mga itsura nito.

Sa ikaapat na pagdinig ng House Tri-Committee nitong Martes, April 8, tungkol sa isyu ng cybercrimes at sa patuloy na paglaganap ng fake news sa bansa, humarap ang content creator na si Vicente Bencalo “Pebbles” Cunanan.

Naikuwento nito ang tungkol sa nangyaring dinner na dinaluhan niya sa Hong Kong kung saan nakasama nga nila si Roque na nagkukuwento tungkol sa “polvoron video” together with other pro-Duterte social media personalities.

Sa affidavit ni Cunanan, nabanggit nga niya ang pinuntahang dinner matapos ang naganap na Maisug Rally sa Hong Kong noong July 7, 2024.

Binasa ni Rep. Romeo Acop ang salaysay ng vlogger kung saan pinag-uusapan umano sa nasabing dinner na may picture raw si Roque kung saan makikitang gumagamit umano ng cocaine ang pangulo.

Bukod dito, napag-usapan din daw kung paano mailalabas sa publiko ang naturang larawan, “There were discussions about spreading the video to the public.

“Mayroon pa ngang naging usapan na isang foreign influencer o vlogger ang dapat mag-post o panggalingan ng video para magmukhang mas kapani-paniwala,” sabi pa ni Cunanan sa kanyang affidavit.

Ngunit ang sabi ng vlogger, naniniwala siya na hindi si PBBM ang nasa “polvoron video”. Aniya, ipinakalat ito para pabagsakin daw ang administrasyon ng Pangulong Bongbong.

“In-enhance po nila ‘yung video para mas maging maliwanag at mas makita. Hindi po ako naniniwala na si PBBM ‘yan,” sey ng vlogger.

Mariing pinasinungalingan ng Department of Defense (DND) ang tungkol sa malisyosong video noong July, 2024.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag ni Roque hinggil sa mga bagong akusasyon sa kanya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending