Rodrigo Duterte nagpadala ng tsokolate sa mga batang may cancer

Rodrigo Duterte nagpadala ng tsokolate sa mga batang may cancer

Therese Arceo - April 10, 2025 - 05:49 PM

Rodrigo Duterte nagpadala ng tsokolate sa mga batang may cancer

PHOTO: Facebook/Rody Duterte

NAGPADALA ng mga chocolates mula sa The Hague, Netherlands si dating Pangulang Rodrigo Duterte para sa mga batang may cancer.

Sa isang social media post ng isa sa mga staff ng House of Hope (HOH) na si Floreces Logronio Tadla, ibinandera nito ang larawan at pasasalamat mula sa natanggap na regalo sa dating pangulo.

“Dear FPRRD, I hope you are well in The Hague. We want to express our gratitude for the chocolates you sent to the Kids of Hope,” mensahe ni Tadla kay Duterte.

Pagpapatuloy pa niya, “It truly means a lot that, even from afar, you thought of bringing joy to our patients.”

Baka Bet Mo: Honeylet Avanceña sa mga nagpakulong kay Rodrigo Duterte: Impiyerno kayo!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Nagpaabot rin ng pasasalamat di Tadla sa anak ng dating pangulo at kasalukuyang bise presidente ng bansa na si Sara Duterte na siya namang nagpa-deliver ng mga tsokolate sa kanilang organisasyon.

Bukod rito ay nagbigay rin ng mga chocolates at teddy bear ang mga Pinoy mula sa Europe.

Matatandaang kasalukuyang nasa The Hague, Netherlands si dating Pangulong Duterte matapos itong arestuhin ng International Criminal Court (ICC) dahil sa kaso nitong crimes against humanity.

Nagpunta naman ang anak niyang si Inday Sara upang siguraduhin ang lagay ng kanyang ama.

Matapos ang ilang araw na pananatili ay nakauwi na si Inday Sara noong Lunes, April 7, base na rin sa kumpirmasyon ng Office of the Vice President habang nasa kustodiya pa rin ng ICC ang dating Pangulong Duterte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending