Laang Kawal humiling ng suporta sa reservists sa Zamboanga City

Laang Kawal Partylist humiling ng suporta sa reservists, volunteers sa Zamboanga City

Jan Escosio |
Eleksyon 2025 -
April 22, 2025 - 09:37 AM

Laang Kawal Partylist humiling ng suporta sa reservists, volunteers sa Zamboanga City

BUONG sigasig na nanawagan ang Laang Kawal Partylist para sa mas malaking suporta sa mga military reservist at civilian volunteer dahil sa mahalagang papel ng mga ito sa pambansang seguridad at pagtugon sa kalamidad.

Ito ang naging hiling ng grupo habang nagtipon sila kasama ang iba’t-ibang grupo sa Barangay Sto. Niño, Zamboanga City.

Dumalo sa pagtitipon sina Lt. Col. Jaime Roberto Almario (unang nominado), Col. Noel Detoyato (ikalawang nominado), Lt. Col. Jannette Chavez-Arceo (ikatlong nominado), at 1st Lt. Ronnie Liang.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Almario ang kahalagahan ng mga military reservists: “Alam niyo ba kung bakit ‘kawal’ ang tawag sa atin? Dahil inilalaan natin ang ating oras at buhay para sa bayan—ng walang hinihintay na kapalit.”

Baka Bet Mo: Laang Kawal Partylist: Bagong boses ng mga reservist, beterano, at boluntaryo ng AFP

Patuloy pa, “Kapag tayo’y napasok sa Kongreso, magiging ganap tayong reservist—na may lakas, insurance, at higit sa lahat, uniporme.”

Nagsalita naman si Detoyato tungkol sa papel ng mga reservists sa pambansang kapayapaan at mga pagsisikap sa pagbawi, at binanggit ang muling pagbangon ng Marawi.

“Gusto natin ng katahimikan dahil ‘yan ang sinisimbolo ng totoong kahulugan ng Zamboanga—‘City of Flowers’,” sey niya.

Dagdag pa, “Tulad ng Marawi, na ngayon ay unti-unting nakakaahon sa tulong ng ating mga reservist at volunteers.”

Ipinunto ni Chavez-Arceo ang kahalagahan ng pagpapalakas ng reserve force: “Mahirap kapag may digmaan o kalamidad na kinakaharap ang ating bansa.”

“Mainam na palakasin ang ating mga reservist o volunteers upang tumulong sa panahon ng krisis at sumuporta sa ating mga regular na sundalo,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para naman kay Liang, sumusuporta rin siya sa layuning itaas ang kamalayan sa kahalagahan ng mga reservist at volunteer.

Dinaluhan ang pagtitipon ng iba’t ibang grupo mula sa komunidad, kabilang ang 9051st RRIBn Zamboanga City, 1604th CDC Basilan, Senior Citizens group, Solo Parents Association, Eagles Club Western Mindanao Region 12, LGBTQ+ communities, DeMolay International, at ang Barangay Council ng Sto. Niño.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending