Luis Antonio Tagle posibleng pumalit kay Pope Francis bilang Santo Papa
ISA sa mga napupusuang maaaring italaga bilang kapalit ng yumaong si Pope Francis ay si Cardinal Luis Antonio Tagle.
Base sa inilabas ng Reuters na “papabili”, isa ang Filipino cardinal sa mga maaring sumunod sa yapak ng yumaong Pope Francis kasama ang ibang mga cardinal mula sa iba pang panig ng mundo.
Si Tagle ay ang tinaguriang “Asian Francis” dahil sa pagkakapareho nila sa pagtataguyod ng social justice.
Baka Bet Mo: Pope Francis pumanaw na sa edad 88, ayon sa Vatican
Samantala, mukha namang nasungkit lahat ni Tagle mula sa Pilipinas ang mga katangian oara tanghalin bilang susunod na Santo Papa.
View this post on Instagram
Sa ilang dekada ng kanyang pagsisilbi buhat nang maordinahan bilang pari noong 1982, sapat na ang kanyang pastoral experience kung saan naging bishop siya sa Imus, Cavite at naging archbishop naman ng Manila.
2012 naman nang gawin cardinal ni Pope Benedict XVI si Tagle.
Sino bang hindi nakakakilala sa cardinal na nakitaan ng pagiging simple mula noong pari pa lamang ito hanggang sa maging archbishop?
Bukod pa rito, marunong ring magsalita ng maraming lengwahe si Tagle bagay na maaaring makatulong sa kanyang responsibilidad sakaling tanghalin bilang successor ni Pope Francis.
Sa kabila ng posibilidad na pumalit sa puwesto ni Pope Francis si Tagle ay ang Espiritu Santo pa rin ang magpapasya kung sino ang susunod na magiging Santo Papa.
“Si Cardinal Tagle, okay naman, puwede siyang manalo pero ang Espiritu Santo magdedesisyon,” saad ni CBCP director for broadcast Fr. Francis Lucas sa panayam nito sa GMA Integrated News.
Kung papalarin, si Luis Antonio Tagle ang kauna-unahang pontiff mula sa Asya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.