Kitty Duterte nag-celebrate ng 21st birthday kasama ang supporters ni FPRRD

Kitty Duterte at Honey Avanceña | Photo from: SMNI Gikan sa Masa, Para sa Masa, Alvin & Tourism
NAGSAMA-SAMA ang mga supporters ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, Netherlands para i-celebrate ang birthday ni Kitty Duterte.
Nitong Huwebes, April 10, nagdowang ng ika-21st birthday ang dalaga sa isang park sa tapat ng International Criminal Court (ICC) detention facility.
Base sa ulat ng One News, tila KKB o kanya-kanyang bitbit ang mga Pilipino ng mga pagkain para pagsaluhan nila kasama si Kitty at ang ina nitong si Honey Avanceña.
Marami ring nagbahagi ng larawan ng selebrasyon ng dalaga sa social media kung saan makikitang may suot itong birthday hat at flower necklace.
Baka Bet Mo: Kitty Duterte ‘di mag-e-explain sa US passport: I’m a private citizen
View this post on Instagram
May videos rin ng pag-slice ni Kitty ng cake pati na rin ang kanyang pagkain ng mga inihanda ng mga tagasuporta ng kanyang ama.
Nag-post naman si Sen. Bong Go sa kanyang Facebook page ng kanyang birthday message para sa dalaga.
“Alam kong hindi madali ang lahat sa ngayon, sa kabila ng mga nangyayari, pero matatag ka, and I know darating din ang panahon na magiging maayos ang lahat,” sey ni Sen. Go kay Kitty.
Dagdag pa niya, “Keep your head up, stay kind and brave — just like you’ve always been.”
Matatandaang March 26 pa lang ay nasa The Hague na si Kitty kasama ang kanyang ina para sa 80th birthday ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa ngayon ay nananatili pa rin silang mag-ina sa Netherlands.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.