Kitty Duterte ‘di mag-e-explain sa US passport: I’m a private citizen

VIRAL ngayon ang larawan ng anak ng dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Kitty Duterte matapos siyang makitaan na may hawak na US passport.
Naispatan kasi ang dalaga na may hawak hawak ito mang bumisita siya sa The Hague, Netherlands para bisitahin ang ama na nasa kustodiya ng International Criminal Court (ICC).
Sinagot naman ni Kitty ang isyung ibinabato sa kanya kaugnay sa pagkakaroon ng US passport.
Sa naganap na ambush interview sa kanya nitong Miyerkules, April 9, sinabi niyang isa siyang Filipino citizen.
Baka Bet Mo: VP Sara mas naging close kay Kitty Duterte: Meron na akong pagagalitan
View this post on Instagram
“I don’t mind them actually. I’m a Filipino citizen so I don’t think I have to explain since I’m a private citizen,” saad ni Kitty.
Agad naman itong umani ng samu’t saring komento mula sa netizens.
“Bilib talaga ako dito kay kitty. Sa lahat ng mga pinoy siya lamang ang pilipino citizen na US passport ang gamit sa pag biyahe.”
“Dual citizens always bring their other passport. If she is Filipino bakit di niya ilabas ang Philippine passport? Is she embarrass of her other nationality?”
“Dual citizenship siguro SI kitty.”
Matatandaang March 26 nang dumating ang dalaga kasama ang inang si Honeylet Avanceña sa The Hague, Netherlands para sa ika-80th birthday ng dating pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
