VP Sara mas naging close kay Kitty: Meron na akong pagagalitan

VP Sara mas naging close kay Kitty Duterte: Meron na akong pagagalitan

Ervin Santiago - April 02, 2025 - 01:52 PM

VP Sara mas naging close kay Kitty Duterte: Meron na akong pagagalitan

Sarah Duterte, Kitty Duterte at Rodrigo Duterte

MAS naging close pa ngayon si Vice President Sara Duterte sa kanyang stepsister na si Veronica “Kitty” Duterte – salamat daw kay Pangulong Bongbong Marcos.

Ayon sa bise presidente, nang dahil daw kasi sa ginagawang pag-atake sa kanya ng administrasyon ni Pangulong Bongbong ay nabigyan sila ni Kitty ng panahon para makapag-bonding.

Mixed daw ang feelings ngayon ni VP Sara sa mga kinasasangkutang kontrobersya, kabilang na riyan ang pagkakapiit ng amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, Netherlands.

Ayon kay VP Sara, base sa panayam sa kanya ng media sa The Hague kahapon, April 1, masaya at malungkot siya sa pinagdaraanan ng kanilang pamilya.

“I don’t have the word right now I only have ‘happy’ but it’s the incorrect word. But to describe it, but I am blessed. Because I gained a sister (Kitty) with what happened to me.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“After the attacks, the confidential fund attacks, the impeachment, and we have a relationship now.  I have a relationship with Kitty. And I’m happy now,” pahayag ni VP Sara.

Aniya, wala raw kasi siyang napagagalitang kapatid noon habang lumalaki kaya naman feeling grateful siya at nabigyan sila ng pagkakataon ni Kitty na mas maging malapit sa isa’t isa.

“Sabi ko nga sa kaniya, ‘I’m happy that I have a sister kasi mayroon akong pagagalitan.’

“Growing-up, wala akong ganoon, but mayroon ako niyan ngayon na pinagagalitan na kapatid,” sey pa ng Pangalawang Pangulo.

Kasunod nito, pinasalamatan din ni VP Sara si PBBM dahil nagkaroon din siya ng mas malalim na koneksyon sa kanyang ama na kasalukuyang nasa detention center ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Doon lilitisin ang umano’y mga nagawang “crimes against humanity” ni Duterte kaugnay ng ipinatupad niyang war on drugs o mas kilala sa tawag ja “Oplan Tokhang.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending