Daniel, Kyle nagsuntukan sa Star Magic Ball 2025 dahil kay Kathryn, true ba?

Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Kyle Echarri
TRULILI kayang muntikang magkaroon ng suntukan o baka nga natuloy na sa pagitan nina Daniel Padilla, Kyle Echarri, JK Labajo at Richard Gutierrez dahil sa napakaraming bersyon na narinig namin mula sa “paru-parong” nakinig din sa kuwento-kuwento sa katatapos na Star Magic Ball 2025 sa Solaire North nitong Biyernes, April 4.
Base sa tsikang narinig namin ay nakainom daw si Kyle at panay ang yakap kay Kathryn Bernardo na hindi nagustuhan ni Daniel at galit na sinita niya ang una.
Nakita naman daw ito ni JK na kaibigan ni Kyle kaya lumapit siya kay Daniel para ipagtanggol ang kaibigan, at lumapit naman din si Richard for DJ.
Naghanap kami kung may nakakuha ng video o picture sa gulong ito, pero ang nakita namin ay video na nakahawak si Kathryn sa kamay ni Kyle at pareho silang nakangiti at hindi nakitaan na nakainom ang binata.
Baka Bet Mo: Kyle sa relasyon nila ni Andrea: Mahal naman namin ang isa’t isa!
Si Kyle kaya ang escort ni Kathryn nu’ng gabi?
Samantala, may nahanap kaming post mula sa anonymous participant na ibinandera sa Reddit na may account na Kathryn Bernardo.
Ang nakasulat, “Ganap sa Star Magic ball kagabi, muntik magsuntukan sina Kyle Echarri at Daniel dahil sa sobrang lasing ni Kyle medyo bastos na ang hawak at yakap niya kay Kathryn kaya si Daniel galit na pinatanggal ang kamay at pagkakayakap nito kay Kath.
“To the rescue naman si JK Labajo sa kanyang kaibigan na si Kyle while to the rescue din si Richard Gutierrez na kasama ni Daniel sa kanyang teleserye! Ganda ni Kath hehe.”
May tinanungan kaming nasa Star Magic Ball 2025 din tungkol sa isyung ito.
“Hindi po totoo! And actually, Reg ano pa ba ang karapatan ni Daniel kay Kathryn, ‘di ba hiwalay na sila, he, he, he. Question lang ‘yun.”
May punto naman ang kausap namin na wala nang pakialam talaga si Daniel kay Kathryn at wala naman daw pambabastos na naganap.
May nakakitang tinapik daw ni Piolo Pascual si Kyle.
Anyway, ang hindi malinaw ay ang paglapit nina JK at Richard Gutz para ipagtanggol ang mga kaibigan nilang sina Kyle at DJ.
Kanya-kanyang tropa ika nga, pero obviously sina Daniel at Richard ang magkasangga dahil may serye silang “Incognito” at maski sa umeereng kuwento ay sila talaga ang magkakadikit kasama si Kaila Estrada bilang si Max.
Samantala, bukas ang BANDERA sa pagitan nina DJ, Kyle, Richard at JK hinggil sa kumakalat na isyung ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.