Kyle sa relasyon nila ni Andrea: Mahal naman namin ang isa’t isa!
SINGLE na single raw ngayon ang Kapamilya actor at singer na si Kyle Echarri pero may rebelasyon siya tungkol sa kanila ni Andrea Brillantes.
Nakachikahan ng BANDERA ang binata sa intimate mediacon ng Dreamscape Entertainment para sa Book 2 ng teleserye nilang “Pamilya Sagrado” kasama sina Grae Fernandez at Piolo Pascual.
Kuwento ni Kyle, wala raw siyang girlfriend ngayon at mas nagpo-focus muna siya sa kanyang mga trabaho, hindi lang bilang artista kundi bilang singer at performer na rin.
Baka Bet Mo: Kyle Echarri masaya sa tambalan nina Francine at Seth: Alam naman ng management kung anong ikabubuti namin
Diretsahan namin siyang tinanong kung ano na ba talaga ang real score sa pagitan nila ni Andrea lalo pa’t napakaraming nagsi-ship sa kanilang mga fans.
View this post on Instagram
May mga nagsabi pa nga na parang totohanan na raw ang mga eksena nila nu’ng gawin nila ang “Jowa for a day” vlog kung saan nagpanggap silang magkarelasyon sa loob ng isang araw.
“Masaya naman po kami. Okay naman po kami. We’ve always just been friends. We’ve always been very good friends,” pahayag ng binata.
Sundot na tanong namin, may chance ba na maging sila sa tunay na buhay at sa likod ng mga camera? Or may naudlot nga bang pagtitinginan sa pagitan nila ng aktres?
Baka Bet Mo: Kyle agaw-eksena sa birthday ni Andrea: Parang engagement party na!
“Hindi ko po kasi masabi na hindi po nangyari dati, eh. So you know, I’m not gonna lie pero na-hint na rin ‘yan ni Blythe (palayaw ni Andrea) ‘yun. Alam naman ng iba it’s just something na hindi naman kailangan sabihin pero…” ang biting sabi ni Kyle.
“Basta mahal naman namin ang isa’t isa. We love each other in different ways. She will always be someone that I care about, someone that’s important to me, and I think vice versa. I think.
“Pero we appreciate each other, and we’re in the shift for the long run. I know we’re going to be together for a long time, and she’s very important to me,” sey pa ng aktor.
View this post on Instagram
Ano nga ba ang mga qualities ni Andrea na nagustuhan niya? “Marami po pero isa po siguro sa ngayon, siguro ‘yung pinakagusto kong trait sa kanya ngayon ‘yung pagka-embrace niya sa independency niya ngayon.
“I’m so happy that she’s finally embracing being alone. She’s going to explore the world alone. She’s also very faithful, and I’m so proud of her now.
“I’m super proud of who she is right now, and I can’t wait to just keep watching her grow,” paglalarawan pa niya sa dalaga.
Tungkol naman sa yumao niyang kapatid na si Bella sa murang eda, unti-unti na raw niyang natanggap ang pagpanaw nito. Pero hindi pa rin niya totally masasabing okay siya.
“I’ve never been okay naman po talaga. I’ve learned to accept that grief is going to be something that lives with you forever, and it’s something I just have to learn how to, maybe not move on from, but move on with kumbaga.
“I know it’s always going to come back to me. May mga ilang araw talaga na mami-miss ko lang po talaga ‘yung kapatid ko pero hindi natin maiiwasan ‘yan.
“Parte na po ‘yan ng buhay ko eh. Pero ang ginagawa ko lang naman po ngayon, trying my best to live my life the way she wanted to live her life.
“My sister was an angel on this earth, so I’m just trying my best to, just like Moises, gawin kung ano pong tama,” ani Kyle.
Namatay si Bella noong April, 2023, matapos ma-diagnose ng tumor sa utak.
Samantala, inuulan ng blessings at suwerte si Kyle dahil sa napakagandang takbo ng kanyang career, kabilang na ang natatanggap niyang mga papuri para sa performance niya sa “Pamilya Sagrado.”
“Masasabi ko pong level up sobrang… hindi naman sa feeling ko nasa ibang level na akong ganun pero level up na it’s something I’ve been dreaming of.
“This will always be something I could only dream of when I was younger. Hindi ko aakalain na aabot din ako sa ganito ang career ko.
“Especially working nine years of my life since I was 12 years old po, and then nandito po ako ngayon. It’s such a full circle moment for me, itong show na ito, and I’m so happy,” sey ni Kyle.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.