Rufa Mae kay Willie: Maraming salamat for giving me help, help hooray!
LABIS ang pasasalamat ng actress-comedienne na si Rufa Mae Quinto sa TV host-businessman na si Willie Revillame dahil sa ipinaabot nitong tulong sa kanya.
Sa kanyang Instagram post nitong Lunes, January 13, ibinahagi niya ang larawan niya kasama ang TV host kung saan makikitang nagkukuwentuhan at nagkakatawanan silang dalawa sa loob ng dressing room.
“Thanks for making me happy Willie And for the Help Help Hooray,” panimula ni Rufa Mae.
Dagdag pa niya, “Thanks to myself for visiting Wil to Win. Watch me today for the hi hello.”
Baka Bet Mo: Rufa Mae matapos magpiyansa: ‘Best things in life are free..and to be heard!’
View this post on Instagram
Bukod sa kanyang Instagram post ay aliw na aliw naman ang mga netizens matapos siyang mapanood sa programa ni Willie na “Wil To Win”.
“Magandang-magandang hapon po. Welcome to me, yes,” kuwelang bati ni Rufa Mae sa mga manonood.
Ikinuwento rin niya ang dahilan kung bakit siya dumalaw at ang pagbibigay tulong sa kanya nito.
Nakatanggap siya ng isang milyong piso bilang tulong matapos ang kanyang pagpapyansa ng P1.7 million kaugnay sa patung-patong na
Kasunod nito ang pagbabahagi ni Rufa Mae kung bakit siya dumalaw sa programa ni Willie.kasong kinakaharap.
“Maraming salamat for giving me help, help, hooray! Hindi lang po kayo ang tinulungan niya, kundi pati ako,” sey ng komedyana.
Ani Rufa Mae, malaking bagay ang pagpayag ng korte na magkaroon siya ng pansamantalang kalayaan.
“Siyempre [nagpapasalamat ako] sa Diyos, nagdasal po ako. Sa NBI, sa press, hindi nila ako pinatakas. Talagang bawal ang eskapo… Hindi naman ako nakulong kasi nakapag-bail ako. Ngayong bail-bail na lang!
“Pero okay na yon, positivity na lang. Ang importante, binigyan niya [Willie] ako ng cash, pangsimula muli,” sey ni Rufa Mae.
Naikuwento naman ni Willie na aksidente ang naging pagkikita nila noong araw ng paglaya ng aktres noong Huwebes, January 9.
“Kumain kami nung anak kong si Juamee sa isang restaurant, e, walang silya kaya bumaba kami. So, nakita ko siya, may mga kasamang abogado, may mga pulis, may posas,” pabirong sabi ni Willie.
Matatandaang noong January 9 ng hapon ay nakapagpiyansa si Rufa Mae para sa kinakaharap na kaso kaugnay ng mga reklamong isinama sa kanya ng mga investors ng beauty clinic na kanyang iniendorso.
Umabot sa P1.7 million ang total na binayaran ng aktres para sa kanyanh pansamantalang kalayaan.
Hapon ng January 9, 2025, nang makapagpiyansa si Rufa matapos niyang magpalipas ng gabi sa National Bureau of Investigation (NBI) headquarters dahil sa patung-patong na kasong kinakaharap niya.
Sa NBI headquarters siya natulog gabi ng January 8, dahil hindi natapos ang proseso ng pagpipiyansa niya sa Pasay Regional Trial Court.
PHP1.7 million ang binayaran ng aktres para sa pansamantala niyang kalayaan.
Ang Kapuso actress ay nahaharap sa 14 counts ng violation of Section 8 ng Securities Regulation Code kaugnay ng mga reklamong isinampa ng investors laban sa Dermacare, ang beauty clinic na pag-aari ni Chanda Atienza.
Si Rufa Mae ay kinuhang celebrity endorser ng nasabing clinic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.