Rufa Mae nagsuka, sumakit ang ulo matapos sumuko sa NBI, pero laban pa rin
MATAPOS sumuko at magtungo sa Pasay Regional Trial Court, muling ibinalik sa National Bureau of Investigation (NBI) ang actress-comedienne na si Rufa Mae Quinto para sa medical check-up.
Ayon sa kanyang legal counsel na si Atty. Mary Louise Reyes, sumama kasi ang pakiramdam ng aktres.
“This morning, panay siya suka. Siguro –I don’t know if it’s jet lag, or siyempre kahit alam mong inosente ka, pagdadaanan mo ‘yung ganitong sitwasyon,” kwento ng abogado sa isang interview.
Iginiit din ni Atty. Reyes na inosente ang kanyang kliyente mula sa kasong isinampa laban sa kanya kaugnay ng umano’y investment scam.
Ibinunyag pa nga ng legal counsel na may utang pa kay Rufa ang skincare company.
Baka Bet Mo: Rufa Mae hirap na hirap pa ring makipag-usap sa English pag nasa US; inalala ang pagbili sa kanya ni Heart ng sapatos
“My client is a victim kasi nga siya rin po mismo, hindi siya nabayaran pa, which is aasikasuhin ko rin after this case. Focus muna kami, one step at a time,” sey niya.
Patuloy ng abogado ni Rufa Mae, “Tapusin muna namin itong case and then, aasikasuhin na namin ‘yan –‘yung mga hindi pagbayad sa kanya ng Dermacare.”
Nabanggit namin sa umpisa na nagpunta na sa korte ang aktres kahapon, January 8, para magpiyansa sana ng halagang P1.7 million, ngunit hindi raw ito natuloy dahil nasaraduhan na sila ng tanggapan.
Pero ayon kay Atty. Reyes, aasikasuhin nila ito ngayong araw at may nakatakda rin daw silang pagdinig upang muling imbestigahan ang kaso laban sa komedyana.
“We’ll have a hearing sa motion for investigation na finile ko – very urgent motion for reinvestigation. We are very confident naman and hopefully ma-grant nga itong motion para at least mabigyan ng chance si Rufa na ma-refute ‘yung mga allegations laban sa kanya,” wika ng legal counsel.
Magugunitang dumating si Rufa Mae sa Pilipinas kahapon, January 8, mula sa San Francisco, California via Philippine Airlines at kusa siyang sumuko sa mga tauhan ng NBI na siya ring sumundo sa kanya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Kung matatandaan noong nakaraang buwan, mismong ang talent manager ni Rufa Mae na si Boy Abunda ang nagbalita na inisyuhan din ito ng warrant of arrest tulad ni Neri Miranda dahil sa mga kasong syndicated estafa.
Sey pa ng premyadong TV host, ang nangyari kina Rufa Mae at Neri ay isang wake up call para sa lahat ng mga taga-entertainment industry upang mas maging maingat sa pagpasok sa anumang negosyo o kontrata.
Maaalalang inaresto at ikinulong si Neri sa Pasay City Jail matapos akusahan ng paglabag sa Section 8 ng Republic Act No. 8799 na kilala rin bilang Securities Regulation Code.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.