Rufa Mae Quinto naiyak sa 'Go, Go, Growing' na anak, may babala

Rufa Mae Quinto naiyak sa ‘Go, Go, Growing’ na anak, may babala

Therese Arceo - February 20, 2025 - 02:35 PM

Rufa Mae Quinto naiyak sa 'Go, Go, Growing' na anak, may babala

EMOSYONAL ang actress-comedienne na si Rufa Mae Quinto dahil tila ang bilis ng panahon at malaki na ang anak niyang si Athena.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi ng aktres ang larawan ng kanyang anak na ngayon ay 8 years old na.

Si Athena ay ang kanyang anak sa asawang si Trevor Magallanes.

“Sweet child O’ Mine! Happy Valentine’s Day! Happy weekend !Happy 8th birthday ,” sey ni Rufa Mae.

“Nakaka iyak pala makita na … GO GO GROWING up na you! Pray pray , wish wish!

Baka Bet Mo: Rufa Mae ayaw na mag-BF sakaling hiwalayan ng mister: Siya na ‘yung huli

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Dapat matalino na ako , Gagalingan ko pa Lalo ang pag aruga sa inosenteng nilalang ko sa Mundong ito!” sey ni Rufa Mae.

Dagdag pa niya, “In short wag na ako mang damay ng ‘Sweet child of mine’! Here she Go go Grow! Mahal na mahal kita. My Innocent baby girl Athena !”

Marami naman sa mga netizens at mga kaibigan mula sa showbiz ang nag-comment sa post ni Rufa Mae.

“Happy Birthday Athena!!!!!” saad ni Dani Barretto.

Comment naman ni Elise sa post ni Rufa Mae, “Best mama ever. Happy birthday beautiful athena.”

“Happiest birthday Athena. So great to see you growing up so beautiful and loving,” sey naman ng isa.

Matatandaang naging usap-usapan kamakailan si Rufa Mae matapos itong masangkot sa iba’t ibang kontrobersya.

Una rito ay ang chikang hiwalayan nila ng asawang si Trevor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sumunod naman ay ang pagkakasabgkot ni Rufa Mae sa isang kaso kaugnay sa kanyang iniendorsong kumpanya gaya ni Neri Naig Miranda.

Naisyuhan pa nga siya noon ng warrant of arrest ngunit naayos naman agad ng kanyang kampo ang kanyang piyansa.

Diin ni Rufa Mae, inosente siya at wala siyang kinalaman sa inirereklamong Dermacare dahil isa lamang siyang endorser at maging siya ay biktima at hindi pa bayad dahil tumalbog lahat ng tsekeng na-issue sa kanya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending