Pagbibigay ni Willie Revillame ng P1-M kay Rufa Mae inireklamo: Baket?
MAY mga nagrereklamo pala sa pagbibigay ng veteran TV host na si Willie Revillame ng halagang P1 million kay Rufa Mae Quinto.
Ilang taong malapit umano sa host ng “Wil To Win” ang hindi masyadong happy nitong pagtulong nito kay Rufa Mae kaugnay sa kasong kinakaharap nito ma may konek sa investment scam.
Ang punto ng mga ito, napakarami pa raw taong mas deserving na tulungan ni Kuya Wil kesa sa komedyana na may kakayahan naman daw na gastusan ang sarili sa kinakaharap niyang kaso.
Nagpiyansa ang komedyana ng P1.7 million matapos sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa umano’y paglabag sa Section 8 of the Securities Regulations Code.
Baka Bet Mo: Regine naimbyerna sa mga nagrereklamo kay Ogie: ‘Wag na kayo manood
Sa nakaraang episode ng “Showbiz Now Na”, pinag-usapan nga nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika ang pagbibigay ni Willie ng tumataginting na P1 million kay Rufa Mae.
“May pangit na epekto sa mga malalapit sa kanya, kasi nagtaas ang kilay ng iba,” sabi ni Romel Chika. “Na parang ‘bakit siya binigyan ng one million?’
View this post on Instagram
“‘Alam namin nangangailangan si Rufa Mae pero bakit si Rufa Mae na ‘di naman niya nakakasama, kami itong kasama niya sa trabaho at nagpapakahirap. Parang wala kaming natanggap na ganyan.’ Kung meron man, pahirapan pa raw,” ang pahayag ng co-host ni Nay Cristy.
Sey naman ng veteran at premyadong showbiz columnist, nakarating sa kanya ang mga komento na kaya raw binigyan ni Willie si Rufa Mae ng tulong pinansiyal ay dahil posibleng pakikinabangan niya ito sa politika.
“Saka ‘yung bashing kay Willie ‘di ba, nakalagay, ‘E, kasi pakikinabangan mo sa kampanya,'” ani Nanay Cristy. Na ang ibig sabihin ay maaaring ikampanya ni Rufa Mae si Kuya Wil para sa 2025 elections.
Isa si Willie sa mga celebrities na naghain ng certificate of candidacy sa pagkasenador noong October, 2024 sa The Manila Hotel Tent City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.