Gerald Santos maligaya sa piling ng dyowang US military officer

Gerald Santos maligaya sa dyowang US military officer: The love of my life

Ervin Santiago - January 22, 2025 - 12:35 AM

Gerald Santos maligaya sa dyowang US military officer: The love of my life

Gerald Santos at Grace Torrecampo

NANINIWALA ang singer-actor na si Gerald Santos na natagpuan na niya ang kanyang “forever” sa katauhan ng isang military officer sa Amerika.

Sa kabila ng kanilang LDR status o long distance relationship, mas nagiging solid at matatag pa ang kanilang relationship dahil sa tindi ng pagmamahal nila sa isa’t isa.

Ang tinutukoy naming dyowa ni Gerald ay ang girlfriend niyang Pinay na si Grace Torrecampo na naka-base na sa Amerika at isang military officer. Nagbakasyon ito sa bansa last November, 2024.

Two years nang magkarelasyon ang dalawa at in fairness, talagang kinakarir nila ang LDR.

“Yung lovelife ko, I’m really happy. Nahanap ko yung love of my life right now. And I’m looking forward sa long-lasting relationship pa namin,” ang pahayag ni Gerald nang makachikahan siya ng BANDERA sa presscon ng kanyang concert, ang “Courage.”

Baka Bet Mo: #SerbisyoBandera: Recycled parol ng mga PDL sa San Juan simbolo ng pag-asa

Magkasama nilang sinalubong ang 2025 sa Amerika, “I’m really happy kasi parang nagiging tradisyon na. Last year, Christmas and New Year. Ngayon, New Year lang.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“As much as we can, we really want to be together either Christmas or New Year. Kasi siyempre, may family rin ako dito.

“Gusto ko namang ma-spend ang Christmas sa kanila dito, and then New Year with her. We’re really happy,” pagbabahagi pa ni Gerald.

Ayon sa binata, suportado siya ni Grace sa lahat ng kanyang mga laban sa buhay, kabilang na riyan ang plano niyamg pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa musical director na si Danny Tan.

“Yung words of encouragement niya lang naman. And you know, yung fact lang na nandiyan siya, sapat na sa akin,” sabi ni Gerald.

Samantala, masaya ring ibinalita ng singer ang matagumpay na fundraising show na ginawa niya last January 3 sa Amazing Grace Lounge sa Woodside, Queens neighborhood sa New York City.

“That’s really heartwarming… may dalawang students na beneficiary nung fundraising. So now, meron silang tuition fee for three semesters ng college nila.

“Kaya, di ba, nakakataba ng puso na nakakatulong din ako. I want to continue that dito sa Pilipinas. Although yung beneficiary sa fundraising show na yun, e, taga-Pilipinas din. Taga-Samar yung dalawang students na yun.

“I would like to continue that kung may show ako na susunod may beneficiary na maging scholar namin,” aniya pa

Ngayong darating na Biyernes na, January 24, magaganap ang kanyang “Courage” concert sa Skydome ng SM North EDSA, Quezon City.

Special guests ni Gerald dito sina Erik Santos, Aicelle Santos, Sheryn Regis, Elisha, at ang boy group na Aster. Dito rin ilo-launch ang Courage Movement na susuporta sa survivors ng mga insidente ng sexual abuse.

Ang concert ay muka sa konsepto, script at direksyon ni Antonino Rommel Ramilo.

Nangako ang singer na mas magiging bolder, mas palaban at mapangahas ang mapapanopd nilang “Gerald Santos” on stage, tulad na lang ng bago niyang kantang “Hubad.”

“I’m offering something really new. Sabi nga nu’ng iba, kung hindi nila alam na ako yung kumanta, pakikinggan nila, hindi nila aakalaing ako yung kumakanta. And that’s what we want to achieve,” sey ng binata.

Pero paano nga ba niya ipaliliwanag ang sinasabing “ang paghuhubad ni Gerald Santos”?

“I’m naked to the public. Alam naman nila yung story ko, lahat. Alam nila ang story ko. So parang hubad talaga ako sa publiko. So it defines din yung kanta sa akin ngayon, yung sitwasyon ko ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Na I laid it all out. I laid it all out last year. So now I’m ready to face more… paghuhubad. Hindi literal but, you know, maghuhubad in terms of pagiging bolder and braver,” esplika ni Gerald.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending