Ai Ai buking ang cheater at kabit: Wow sweet, ang lakas ng loob!

Ai Ai buking ang cheater at kabit: Wow sweet! Ang lalakas ng loob!

Ervin Santiago - January 22, 2025 - 12:40 AM

Ai Ai buking ang cheater at kabit: Wow sweet! Ang lalakas ng loob!

Ai Ai delas Alas at Gerald Sibayan

HULA ng mga netizens, ang kanyang estranged husband na si Gerald Sibayan ang tinutukoy ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa kanyang latest hugot about “cheating.”

Hot topic ngayon sa social media ang mga cryptic post ng Kapuso star sa kanyang Facebook page kahapon, January 21 patungkol sa isang “cheater” at “mistress.”

Simulang hirit ni Ai Ai sa kanyang FB post, “Hahaha ang balita nga naman kahit akoy nana himik bongga!! Take note si mistress ay PILIPINA.”

Sinundan pa ito ng ilang mga petsa noong 2024 kung saan tila nabuking niya ang sikreto ng tinawag niyang “Cheater.”

“MARCH 2024 …. Gerrys Grill si mistress naka hilig pa yung ulo sa balikat ni Cheater (wow sweet).

Baka Bet Mo: Richard nag-react na matapos bansagang ‘cheaters’ ang cast ng ‘Incognito’

“JUNE 2024 … malapit sa jollibee (malapit sa fremont yesss iba din malapit pa bahay namin ahhhh) holding hands si cheater and si mistress (wow sweet ulit),” ang bahagi pa ng post ng komedyana.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)


Pang-ookray pa niya sa mga taong tinutukoy niya, “Lalakas ng loob ahhh puro filipino establishments at california IDOL!!! GOAT! (greatest of all time).”

Sa isa pa niyang post makikita ang isang quote card kung saan mababasa ang mga katagang, “NO WOMAN COULD LOVE A CHEATER AND NOT PAY THE PRICE OF IT.”

Sa comments section ng post ni Ai Ai, marami ang naniniwala na ang tinutukoy ng aktres ay ang nakipaghiwalay na asawang si Gerald. Narito ang ilan sa nabasa naming reaksiyon ng netizens.

“Kasuhan mo yan Ms. AiAi Delas Alas hindi naman masama yan gagawin mo bigyan mo ng leksyon at icancel mo na greencard nya, alam naman ni Lord mabait ka sa ex hubby mo kaya deserve mo ang justice..fight!”

“Bawiin mo na lahat. Ginawa ka nilang tanga ms Ai.”

“Makakarma din yan mi.Kaya nawala cya kasi me mas maayos n dadating para sayo.Mas magiging masya ka kesa kasama mo manggagamit.”

“Ay ganoon po talaga Ms AiAi Delas Alas marami ang higad ngayon, hayaan mo na at ipasa Diyos mo na lang lahat.”

“Minsan ndi kailangan na manahimik kana lang lumaban ka ndi na uso ung mananahimik kana lang kaya inaabuso kasi palaging ganun ..basta nasa tama ka go laban”

“Hayaan mo na Sila miss Ai. Mabuti na Rin habang maaga pa Malaman mo na kesa kung kailan ugod ugod kna. Saka ka iwanan. Enjoy mo nlng po life. Mahaba pa Buhay natin.”

“If I were you, bawiin mo ang Green Card ni cheater.”

“Tanggalan mo ng green card yan. Tapos ang maliligayang araw ng mga yan.”

Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” ay inamin ni Ai Ai na hiniwalayan siya ni Gerald sa pamamagitan lang ng chat. Ayaw na raw nito sa kanya dahil hindi na sila pwedeng magkaanak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag at gagawing paglilinaw ni Gerald hinggil sa isyung ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending